Tim Sawyer, Pinaghahanap na ng mga Otoridad Dahil sa Kasong Isinampa sa Kanya ni China Roces.

Mukhang wala na talagang pag-asang maayos pa ang pagsasama ng vlogger couple na sina China Roces at Tim Sawyer. Sino nga ba naman ang mag-aakala na aabot sa demandahan ang isyu nila? Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay naihain na ang arrest warrant para kay Tim. Desidido si China na panagutin ang dating ka-live in partner niya sa mga ginawa nito.

Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang vlogger matapos ihain ang arrest warrant para kay Tim. Kasama si China Roces at mga opisyales ng National Bureau of Investigation, pinuntahan nila ang bahay ni Tim sa Trece Martires, ngunit sa kasamaang palad ay hindi nila naabutan doon ang vlogger.

Read Also: Naaalala Niyo pa ba ang Dating Child Star na si Ella Guevara? Ito na Pala ang Buhay Niya Ngayon!

Ayon sa report ng ABS-CBN, ang arrest warrant ay galing sa family court ng Trece Martires. Matatandaang sinampahan ng kaso ni China ang kanyang dating ka-live in partner ilang buwan na ang nakalilipas dahil sa paglabag sa RA 9262 o “Anti Violence Against Women and Their Children” act.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nagpahayag ng suporta kay China. Ayon sa kanila, dapat lang na ipaglaban ng vlogger ang karapatan niya at ng kanyang anak na si Baby Timothy.

Matatandaang noong 2020 nang maghiwalay si China at Tim dahil sa di pagkakasunduan nila. Inakusahan ni China si Tim na pabayang ama at nagtatago umano ng pera mula sa kanila. Ayon pa dito, isang beses ay nahuli niya sa akto si Tim na may kasamang ibang babae sa kwarto.

Dumating pa sa punto na humantong pa kay idol Raffy Tulfo ang kanilang isyu. Nagkasundo ang dalawa na muling magkakabalikan para sa kanilang anak na si Baby Timothy, ngunit matapos ang ilang buwan ay natuloy rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Read More: Totoo Ba? Rabiya Mateo, Kasama Sana Sa Top 5 Ng Miss Universe!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow at mag like sa aming Facebook page.

The post Tim Sawyer, Pinaghahanap na ng mga Otoridad Dahil sa Kasong Isinampa sa Kanya ni China Roces. appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments