Maraming talentadong child stars sa Philippine showbiz industry. Karamihan sa kanila, matapos pumasok sa showbiz bilang child star ay ipinagpapatuloy nila ang kanilang career sa pag-aartista hanggang sa sila’y tumanda. Ngunit mayroon rin namang mas piniling iwan ang showbiz para sa tahimik na buhay.
Isa na sa kanila ang dating child star na si Ella Guevara. Naaalala niyo pa ba ang talentadong child actress na ito?
Nakilala ng mga fans si Ella matapos itong sumali sa talent search program na “Starstruck Kids.” At dahil sa kanyang talento at charm, kaliwa’t-kanang offer ang natanggap ni Ella sa Kapuso network.
Read More: Walang Pusong Ina, Ibinenta ang Sanggol na Anak Para Makabili ng Bagong Cellphone!
Kahit hindi siya ang itinanghal sa champion sa “Starstruck,” bumida naman sa maraming sikat na programa at pelikula si Ella. Sa katunayan, ilang beses na rin itong kinilala sa kanyang pag-arte. Ayon sa mga reports, limang beses ng nanalo si Ella ng Best Child Actress award.
Kabilang sa mga awards na napanalunan ni Ella ay ang “Best Child Performer of the Year” noong 2004 sa Metro Mnaila Film Festival, “Most Popular Child Actress” noong 2005 sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards, “Best Child Actress of the Year” sa Famas noong 2006, at “Most Popular Child Actress” noong 2007.
Ngunit sa rurok ng kanyang kasikatan, maraming fans ang bigla na lang nagulat nang talikuran ni Ella ang kanyang career. Mas pinili niyang mag focus sa kanyang personal na buhay at pag-aaral. Kasalukuyang nag-aaral siya sa University of the Philippines sa kursong Bachelor of Arts in Multimedia Studies.
Mukhang masaya at kuntento naman si Ella sa kanyang buhay ngayon. Ngunit may mga fans pa ring umaasa na muli siyang babalik sa telebisyon, lalo pa’t hindi maipagkakaila ang talento niya pagdating sa pag-arte.
Read Also: 70-Anyos na Lola, Ibinuking ang Simpleng Sikreto Niya Upang Mapanatili ang Kanyang Fit na Katawan
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Naaalala Niyo pa ba ang Dating Child Star na si Ella Guevara? Ito na Pala ang Buhay Niya Ngayon! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments