May Pa-Starbucks pa! Sosyal na Community Pantry sa La Salle, Pinagkaguluhan ng mga Netizens

Sa kalagitnaan ng pandemic, nauso ang mga community pantries sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Sa tulong ng community pantry, maaaring magkaroon ng pagkain o basic necessities ang mga taong nangangailangan sa gitna ng pandemic. Umaasa ito mula sa donasyon ng mga good Samaritan, at talaga namang malaki ang naitutulong nito sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga tao.

Hindi maipagkakailang maraming pamilya na rin ang natulungan ng mga community pantries. Karamihan sa kanila ay mga naghihikahos o nawalan ng kabuhayan.

Sa pamamagitan ng community pantry, maaari silang makatanggap ng bigas, de lata, noodles, gulay, prutas, at iba pa nang walang hinihinging kapalit o bayad.

Read More: Kilalanin ang Nanay ni Inigo Pascual at dating partner ni Piolo na si Donna Lazaro

Bilang selebrasyon sa nagdaang mother’s day, nag-organize ng isang community pantry ang De La Salle University sa Taft Avenue. Ang community pantry nila ay binansagang ‘Dude, Pantry, Chong,’ at layunin nilang makatulong at makapagpasaya sa mga nanay sa espesyal na araw na ito.

Nagtulong-tulong ang mga organizers at iba pang sponsors upang makalikom sila ng mga maipapamigay sa kanilang community pantry.

Kasama sa mga nag donate ay ang Becky’s Kitchen, na nagbigay ng mga pantries, Brothers Burgers, na namahagi ng mga burgers, at Starbucks, na nag donate ng mga kape.

Bukod pa sa mga meals, naghanda rin sila ng mga grocery items para sa mga taong nangangailangan. Kabilang na dito ang mga produktong galing sa Purefoods, tinapay, bigas, gulay, at mga de lata. Tuwing mayroong dadaan na nanay, may pa dance number pa ang mga organizers!

Dahil dito, marami ang natuwa sa kanilang community pantry. Sa Facebook, agad na nag-viral ang mga larawan ng sosyal na community pantry na ito, at maraming netizens ang talagang natuwa dahil sa effort nila para pasayahin ang mga nanay sa Mother’s Day.

Read More: Sexy Pinay Celebrities na Ginulantang ang Publiko sa Kanilang Biglaang Pagbubuntis

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post May Pa-Starbucks pa! Sosyal na Community Pantry sa La Salle, Pinagkaguluhan ng mga Netizens appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments