Lalaki, Naospital Matapos Ibenta ang Kidney Para sa Bagong Model ng iPhone12

Sa panahon ngayon, mas nagiging advanced at high-tech na ang mga smartphones. Ngunit dahil sa mga bagong features, nagiging mas mahal rin ang presyo nito. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming tao ang gumagastos ng malaki para lamang magkaroon ng latest model ng smartphones. Ngunit handa ka bang itaya ang iyong kalusugan para lang dito?

Maraming netizens ang nagbibiro na nais nilang ibenta ang kanilang kidney upang makabili ng iPhone. Ngunit ito ay pawang biruan lamang, pero alam niyo ba na may tao nang nakagawa ng bagay na ito? Isang lalaki sa China ang nagbenta ng isa niyang kidney upang makabili ng latest iPhone model noong 2011.

Read More: Donnalyn Bartolome, Inofferan ng Isang Prinsipe ng mga Bagay na ito Para Maging Sugar Baby!

Ayon sa mga reports, noong 2011, isang Chinese teenager ang nagbenta ng kanyang kidney. 17-anyos pa lamang si Wang Shangkun nang ibenta niya sa black market ang kanyang kidney kapalit ng $3,273, o P157,000. Matapos makuha ang pera, bumili si Wang ng brandnew iPad 2 at iPhone 4.

Tuwang-tuwa si Wang sa mga bagong gadgets niya, ngunit di niya akalain na dito na pala magsisimula ang kalbaryo niya. Ayon sa mga reports, di nagtagal ay nakaranas ang teenager ng mga health complications.

Nagkaroon siya ng renal deficiency dahil sa illegal na surgery. Ayon sa mga eksperto, dahil hindi sa ospital ginanap ang surgery, nagkaroon ng impeksyon si Wang.

Dahil sa kanyang kalagayan, nakaratay na ngayon sa ospital ang Chinese teenager na ito. Habang-buhay na rin siyang sasailalim sa dialysis dahil sa kanyang kidney failure. Labis labis ang pagsisisi ni Wang dahil sa kanyang nagawa. Inimbestigahan naman ng mga otoridad ang pangyayaring ito.

Noong 2012, isang taon matapos ibenta ni Wang ang kanyang kidney, siyam na tao ang naaresto. Lima sa kanila, kasama ang mga surgeons na nagtanggal sa kidney, ay nakakulong na ngayon.

Read Also: Isang Kalapati, Usap-Usapan ng Netizens Matapos Maibenta Online sa Halagang 91 Million!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Lalaki, Naospital Matapos Ibenta ang Kidney Para sa Bagong Model ng iPhone12 appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments