Kilalanin ang Napaka-Gwapong apo at isa sa Tagapagmana ni Willie Revillame na si Elijah

Kilalanin si Elija Palanca, ang isa sa mga apo at tagapag mana ng multi-millionaire host and actor na si Willie Revillame.

Siya ay ang panganay na anak ni Meryll Soriano, na siyang panganay rin ni Willie sa kaniyang childhood sweetheart na si Becbec Soriano.

Tatay niya naman ang napaka galing at beteranong aktor na si Bernard Palanca ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya lumaki sa isang buong pamilya.

At kahit ganoon nga ang sitwasyon ay hindi naman nag kukulang sa pagmamahal si Meryll at Willie sa kaniya. Sa katunayan pa nga ay madalas siyang isama ng kaniyang lolo sa mga trips nit.

Spoiled ba si Elija sa kaniyang lolo?

Bukod kay Elija ay mayroon din siyang bagong baby brother na si Gido.

Sa isang interview kay Willie, ipinaliwanag niya kung paano niya tratuhin ang kaniyang mga apo.

“Pag dinadala sa akin ni Meryll yung bata, ito yung mag-aalaga sa akin, yung mga batang yun. Parang feeling ko ganun, ito yung gusto kong…

“Hindi lang lolo, hindi lang apo, parang kaibigan mo, kabarkada mo yung mga apo mo.

“Kung ano yung nakikita mo sa akin on TV, parang gusto ko ganun. Yung iniinis mo, yun ang gusto ko, e, parang ganun.”

Ayon sa kaniya ay kaya pa siya nagsisikap mag trabaho upang masigurado na ang bawat miyembro ng kaniyang pamilya ay magiging maayos sa oras na mawala na siya sa mundo.

“Siyempre yung future naman nila. Kung ano man ang meron ako, sa kanila naman mapupunta yun, e, di ba?

“Sa pamilya mo, kay Meryll, sa mga anak nila. So yun lang.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Kilalanin ang Napaka-Gwapong apo at isa sa Tagapagmana ni Willie Revillame na si Elijah appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments