Isang Tindero ng Mami, Viral Ngayon sa Social Media Matapos Gawin ang Bagay na ito sa Pulubi

Isang post ang trending ngayon sa social media matapos ikwento ng isang netizen na si Ruby Repatacodo Camaya ang kaniyang nasaksiihan habang nasa kalsada.

Ayon sa kaniya, hindi niya mapigilang mahabag matapos malaman na isang pulubi ang hinamak-hamak ng isang tindero ng mami dahil lamang sa nais nitong uminom ng tubig.

“Guys pag may nanghingi ng tubig sainyo kahit sino basta nauuhaw bigyan nyo 😔 wag nyo gayahin tong si Kuyang Nakahubad tas walang facemask na tindero ng mami 🥺🥺 Yung nangangalakal nagpaalam naman na hihingi sya ng tubig pumayag namn yung babae , tas kumukuha na ng tubig ung mangangalakal , sinigawan nyang mamang nakahubad sinita nya kuha daw ng kuha ng tubig di namn daw ngababayad 😪” ayon kay Ruby.

Dagdag pa niya, hindi pa umano nakuntento ang tindero at sinigaw-sigawan pa ito nang husto. binalik ni Mamang Mangangalakal ung baso na may tubig at sabi nya “Boss pasensya na, pasensya” Galit parin ung mamang nakahubad mineral pa naman daw un tubig sa mamihan nila tas di daw magbabayad.. Tas umalis ung nangangalakal todo hingi ng pasensya. Tapos ginawa ni Mamang nakahubad tinapon lang ung tubig 😔😔 , Grabe napakasama ng ugali tubig lang grabe magdamot may ganitong klaseng tao pala talaga, nakakasad lang tinapon ung tubig di nalang pinainom sa nangangalakal 🥺🥺 napakasama ng ugali 😪😪😪 wag niyo tularan to napakasakim sa kapwa 😔😔 sa Baesa Kanto to. Tapat ng Jollibee”

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang post na ito ni Ruby na sa ngayon ay umaabot na ng 1.5K likes at shares.

Ayon sa ibang netizens ay susubukan nilang hanapin ang taong grasa upang siya ay matulungan.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Isang Tindero ng Mami, Viral Ngayon sa Social Media Matapos Gawin ang Bagay na ito sa Pulubi appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments