Isang Lola, Nakunan Na Nakasilip Na Prenup Shoot Ng Kaniyang Apo Na Nagpaluha Sa Netizens

Totoong walang ibang kayang magmahal sa iyo sa paraang kaya kang mahalin ng iyong mga magulang, ngunit masasabi rin nating madadaig ng kalinga ng mga lolo at lola ang kanilang ibinibigay.

Gaya nga ng sabi ng iba ay basta nagkaroon na sila ng apo ay mas kaya pa nilang ibigin ang mga ito keysa paano nila inalagaan ang kanilang mga anak.

Isa sa mga patunay nito ay ang isang lola sa Jiangsu, China, na nagpalaki sa kaniyang babaeng apo at ibinuhos ang kaniyang buong oras sa pangangaral at pagbabantay dito.

Kung kaya naman talagang napaka emosyonal ng mga nangyari noong kinailangan nang ikasal ng kaniyang apo, na talaga namang masaya sa kaniyang buhay na tatahakin.

Isang larawan mula sa prenup shoot ng dalaga ang nag trending ngayon sa social media matapos makuhanan ng photographer ang kaniyang lola na tahimik na nagmamasid sa kaniyang apo habang ito ay mine make-upan.

Kitang-kita ang saya sa mata ng matanda, na nagpaluha ng libu-libong netizens.

Kahit ang mismong apo na nakita kung paano ligayang-ligaya ang kaniyang lola na sa wakas ay ikakasal na siya sa kaniyang pinaka mamahal ay hindi napigilang hindi humagulgol at yakapin ito nang mahigpit.

At dahil silang dalawa na lang ang magkasama ay sila na lang din ang magkakampi sa buhay.

Nangako naman ang kanyang apo na palagi niya itong aalagaan at hinding-hindi pababayaan kahit dumating pa ang panahon na siya ay magkaroon na ng mga anak.

Para sa kaniya, kailanman ay hindi matutumbasan ang sakripisyo ng kaniyang lola para sa kaniya, ang dahilan kung bakit siya masaya at punong-puno ng pagmamahal ngayon.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Isang Lola, Nakunan Na Nakasilip Na Prenup Shoot Ng Kaniyang Apo Na Nagpaluha Sa Netizens appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments