Isang 29 taong gulang na lalaki ang nagbigay palaisipan ngayon sa netizens matapos niya ibunyag ang kaniyang kalagayang medikal, na talaga namang gumulat sa lahat.
Taliwas sa ating nakagawain na mga babae lamang an nagkakaroon ng buwanang dalaw, si Noel ng Bongabong, Oriental Mindoro ay nakakaranas din ng parehas na sitwasyon.
Ayon sa kaniyang panayam sa KMJS, ito ay nagsimula noong siya ay 12 na taong gulang pa lamang.
Ngunit dahil sa sobrang hiyaay lumipas na ang napaka raming taon ay wala pa ring nakaka alam ng kaniyang kalagayan.
Natuto na rin siya kung paano magtago upang makabili ng diaper at napkin sa tuwing dinadalaw siya ng kaniyang regla.
“Masaki tang puson, isang patak lang.”
Pagkatapos niyang magtapos ng highschool ay nagtrabaho siya bilang isang service crew sa isang fast food crew sa Batangas, kung saan nalaman ng kaniyang mga katrabaho ang kaniyang sitwasyon.
Naging mabait naman ang kaniyang supervisor, ngunit mataps siyang sumupungin ng kakaibang sakit sa puson at malalang agos ng dugo ay napag desisyunan na niyang umuwi ng bahay upang aminin ang kaniyang pinaka tatagong sikreto.
Ayon sa kaniya, “hiya, takot, naiisip kong magkapamatay minsan,” ang kaniyang naramdaman matapos niyang aminin ang totoo.
Ngunit simula naman noon ay nagkaroon na siya ng pagkakataong magpatingin sa doktor, kung saan unti-unti na niyang naintindihan ang kaniyang kalagayan.
Saad ng isang OB gynecologist at endocrinologist na si Dr. Noel Raymundo,
“Dahil nagkasakit sa atay, or mga obese, tumataas ang estrogen nila.”
Dagdag pa niya.“Meron siyang endometrial cavity. Duon nanggagaling yung regla buwan-buwan. Confirmed sa ultra sound na may matres siya. It’s a rare case. May ovary siya na pambabae and t3st3s na panlalaki.”
Ayon sa doktor, malaki ang magiging epekto sa kalusugan ni Noel sa oras na tanggalin ang kaniyang matres, dahil ang pagdudugo ang pinaka dulot ng kaniyang stress.
“Mas maaapektuhan siya [kung hindi tatanggalin] psychologically kasi ang problemang pandurugo, ang kinakahiya niya.”
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang 29 taon na gulang na binata, usap-usapan matapos aminin na mayroon siyang kabuwanang dalaw! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments