Silipin ang Naggagandahang Anak ni Regine Tolentino! Sasabak rin Kaya Sila sa Showbiz?

Isa si Regine Tolentino sa mga hinahangaang beteranang aktres sa showbiz. Binansagang “Dance Diva” si Regine dahil sa taglay nitong kagandahan at galing sa dance floor. Kaya naman hindi na rin nakakapagtaka kung bakit maging ang mga anak ni Regine ay artistahin rin! Mukhang nasa dugo na nga nila ang kanilang pagiging artista.

Kamakailan lang, ipinakilala ni Regine ang kanyang mga anak sa morning talk show na “Magandang Buhay.” Mayroong tatlong anak na babae si Regine, at kitang-kita naman na nagmana ang mga ito sa kagandahan ng kanilang mommy! Kakaiba rin ang mga pangalan nila, na hango sa pangalan ng kanilang ina.

Read More: Ganito na Pala Siya Kasosyal Ngayon si Rita Gaviola o Mas Kilalang Badjao Girl

Ang panganay na si Reigne ay 22 anyos na, sinundan naman siya ni Reigen, 20, at ang pinakabunso ay si Rosie Rignee na 11 months pa lamang. At kahit pa magkaiba man ang kanilang mga ama, hindi maipagkakaila na lumaking malapit sa isa’t-isa ang mga anak ni Regine. Malaki rin ang pagkakahawig nila sa kanilang mommy.

Si Reigen at Reigne ay anak ng singer-actress sa kanyang ex-husband na si Lander Vera Perez. Samantalang ang bunso naman ay anak ni Regine sa kanyang current partner na si director-photographer Dondi Narciso. Matatandaang noong January 20 lamang bininyagan si Rosie sa Mount Carmel Parish Church sa Quezon City.

Sa kanyang interview, nagbiro rin si Regine tungkol sa pag-aalaga sa kanyang buso. Ayon dito, lahat silang tatlo ay nagmistulang ‘mommy’ sa bahay. Tinutulungan rin daw siya ng kanyang dalawang dalaga upang alagaan ang bunso nilang kapatid.

Ayon pa dito, masipag at maaasahan rin ang kanyang mga anak. Bukod sa pagiging mabuting mag-aaral ng mga ito, sinusunod rin daw nila ang utos ng kanilang mommy na wag munang mag-boyfriend.

Read More: Lolo na Bulag, Nakakayang Magbalat ng 1,000 Niyog sa Isang Araw Para Lamang Kumita ng P300!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Silipin ang Naggagandahang Anak ni Regine Tolentino! Sasabak rin Kaya Sila sa Showbiz? appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments