Angel Locsin, Sinisi ng mga Netizens sa Pagpanaw ng Isang Lolo na Nakapila sa Community Pantry Niya

Wala pang isang araw na nabubuksan, nagdesisyon ang aktres na si Angel Locsin na pansamantala munang ipatigil ang kanyang community pantry. Ito’y matapos pumanaw ang isang lolo na nakapila sa community pantry sa Brgy. Holy Spirit. Kinilala ang biktima bilang si Rolando Dela Cruz, na inatake sa puso at di nagtagal ay binawian ng buhay habang nakapila.

Ayon sa mga reports, madaling araw pa lamang ay nakapila na sa community pantry ang matandang lalaki. Alas tres pa lamang ng umaga ay kasama na si Rolando sa mga nagbabakasakali na makapasok sa community pantry ni Angel.

Ngunit bago pa man daw ito makapasok, bigla na lamang nahimatay si Rolando. Sinubukan pa siyang isugod sa ospital, ngunit huli na ang lahat.

Read More: Ganito na Pala Siya Kasosyal Ngayon si Rita Gaviola o Mas Kilalang Badjao Girl

Agad namang umaksyon si Angel. Sa social media, nagbigay rin ito ng pahayag tungkol sa nakakalungkot na pangyayaring ito. Ayon sa aktres, nakikipag-ugnayan na sila sa pamilya ng yumao upang makapaghatid ng tulong. Personal rin siyang humingi ng tawad sa mga ito.

“Habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila. Si Tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po siya nakilala, pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po siyang ama at maayos niyang napalaki ang mga anak niya.”

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nag-react sa malungkot na pangyayaring ito. Mayroon ring nagkomento na pananagutan ni Angel ang pangyayari, lalo pa’t kung hindi pumili ang matanda ay hindi sana ito aatakehin. Ngunit naging accountable naman si Angel sa malungkot na pangyayari ito,

“Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari. Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this. I am very sorry,” pahayag ni Angel.

Read More: Lolo na Bulag, Nakakayang Magbalat ng 1,000 Niyog sa Isang Araw Para Lamang Kumita ng P300!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Angel Locsin, Sinisi ng mga Netizens sa Pagpanaw ng Isang Lolo na Nakapila sa Community Pantry Niya appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments