Vice Ganda, Napaiyak Matapos Muling Makita ang Contestant na Tinulungan Niya Noon

Kamakailan lang ay muling nagkita si Vice Ganda at isa sa mga natulungan niya sa “It’s Showtime.” Ayon sa contestant na si Mang Herbie, dati na niyang nakilala si Vice Ganda ng sumali siya sa “I Can See Your Voice.” Ayon kay Mang Herbie, labis raw ang tuwa niya na makita ulit ang komedyante dahil napakalaki daw ng utang na loob niya kay Vice. Kaya naman pinaalala niya dito ang naitulong sa kanya ni Vice.

“Napakalaking oportunidad po ng nangyaring ito. Bukod po sa gusto kong makasali dito at manalo, pinakanumber 1 ko po talagang sadya dito ay personal na makapagpasalamat sa inyo. Thank you po,” sambit ng contestant na hindi mapigilang maging emosyonal habang kinakausap si Vice Ganda.

Ayon naman kay Vice, noong una ay hindi niya maalala si Mang Herbie. Ipinaalala lang sa kanya ng staff na tatay ito ng mga scholars ni Vice. Maraming kabataang pinapaaral ang komedyante, at kabilang sa kanila ay ang tatlong anak ng contestant na ito. Nais rin ni Vice na i-share ang kanyang blessings sa ibang taong nangangailangan.

Read also: Celebrity Basurero: Mangangalakal, Napagkamalang Hollywood Actor Matapos Dumaan sa Nakakagulat na Transformation

Dahil dito, buwan buwan nagbibigay ang komedyante ng financial assistance sa mga estudyanteng nangangailangan. Pero personal na desisyon niya rin ang hindi na kilalanin ang mga scholars upang hindi daw siya ma-attach sa mga ito. Lingid sa kaalaman ni Vice, pinag-aaral niya pala ang tatlo sa mga anak ni Mang Herbie.

Ayon kay Vice, natutuwa rin siya sa mga anak nito dahil matatalino daw at masisipag mag-aral. Buwan buwan ay tinitignan rin nila ang grades ng mga scholars upang masiguradong nag-aaral sila ng mabuti. Dahil sa kasipagan nila, hindi daw nanghihinayang si Vice na patuloy na magbigay ng tulong.

Naantig naman ang mga co-hosts ni Vice sa muling pagtatagpo ng dalawa. Ayon kay Jhong Hilario, likas na daw kay Vice ang pagiging matulungin. Minsan daw ay napagkakamalan itong mataray, ngunit sa personal ay malaki daw ang puso nito at hindi nakakatanggi sa mga taong nangangailangan.

Read also: Proud na Anak ng Kasambahay at Tanod, Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Cum Laude!

Naantig ka rin ba sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

The post Vice Ganda, Napaiyak Matapos Muling Makita ang Contestant na Tinulungan Niya Noon appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments