“FPJ’s Ang Probinsyano” ang isa sa mga longest-running primetime show sa telebisyon. Sa apat na taon nitong pag-ere, maraming kilala at respetadong artista na ang nakasali sa programang ito. Ito ay pinagbibidahan ni Coco Martin, na siya ring creative consultant at direktor ng programa. Dahil sa tagumpay ng show na ito, maraming artista rin ang gustong mapabilang dito.
Karamihan sa kanila ay lumalapit kay Coco Martin para lamang mabigyan ng role sa programa. Talaga nga namang marami nang natulungan ang show na artista, na nagkaroon ng exposure matapos mapabilang sa cast ng “Ang Probinsyano.” Ngunit alam niyo ba na may mga tumatanggi rin pala sa offer na ito? Isa na sa kanila ay ang aktres na si Tanya Garcia.
Read also: Groom, Laking Gulat Matapos Yakapin ng Bride Niya ang Ex-Boyfriend Nito sa Harap Mismo ng Altar!
Ang asawa ni Tanya Garcia na si Mark Lapid ay kasali sa cast. Sa isang interview, ibinahagi ni Tanya na dati ay nakatanggap rin siya ng offer na sumali. Personal umano siyang nakatanggap ng pang-aanya mula kay Coco Martin mismo, ngunit tinanggihan ito ni Tanya.
“Yes. Actually, oo. Ngayon, wala na si Mark sa Probinsyano, e. Pero before he left, tinanong na rin ako ni Coco. Sabi niya, ‘Gusto mo ba? Meron akong role sana…’ Meron siyang role na ibinibigay sa akin.” Taong 2017 hanggang 2019 napabilang si Mark Lapid sa programa.
Noong mga oras na iyon, tinanggihan daw ni Tanya ang role dahil ayaw niyang sabay silang mawawala ng asawa sa bahay. Inaabot rin ng ilang oras ang shooting, kaya naman hangga’t maari, gusto ni Tanya na ang isa sa kanila ay nasa bahay upang makapagfocus sa kanilang pamilya.
“Kaya lang, noong time na iyon, sabi ko, hindi naman pwedeng sabay kami, sabay kaming mawawala ni Mark di ba? Meron siyang dalawang role. Actually, ang ganda ng role kaya lang sabi ko, hindi kami pwedeng sabay ni Mark.”
Sa kabila ng magandang offer, mas pinili ni Tanya na manatili sa bahay at mag focus sa kanyang mga anak. May tatlong anak siya kay Mark na pawang mga babae, si Mischa Amidala, 13, Matilda Anika, 9, and Madeleine Ariana, 4.
Read also: Matapos ang Apat na Taong Pagsasama, Toni, Aminadong Hindi na Kinikilig kay Direk Paul
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
The post Tanya Garcia, Bakit Nga ba Tinanggihan ang Offer ni Coco Martin na Sumali sa “Ang Probinsyano?” appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments