Talagang napakabilis nga ng panahon! Sinong mag-aakalang mag iisang taon nang mag-asawa ang celebrity couple na si Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo? Parang kahapon lamang ng ikasal ang dalawa sa isang secret ngunit espesyal na ceremony sa Taguig. Ngayon, ilang linggo na lamang ay magse-celebrate na ng kanilang first wedding anniversary ang dalawa.
Bago ang espesyal na okasyon na ito, nagbahagi si Matteo ng sweet na picture nila ng kanyang misis sa Instagram. Noong February 1 ay nag-post ang aktor ng picture nila ni Sarah, kung saan makikitang naka-porma ang dalawa. Naka-pink na terno si Sarah, habang naka-barong tagalog naman si Matteo.
Read also: Carmina Villaroel, Ikinumpara si Julia Montes sa Bastos na Aktres na Nakatrabaho Niya
Ayon kay Matteo, dumalo siya sa kasal ng kanilang malapit na kaibigan. Ngunit mukhang mas sweet pa si Sarah at Matteo kaysa sa ikakasal! Pati si Matteo ay hindi mapigilang kiligin sa kanyang asawa, na tinawag niya bilang kanyang ‘sunshine’ sa Instagram: “You are my sunshine, my only sunshine.”
Maraming fans naman ang nakapansin sa kakaibang glow ni Sarah nitong mga nagdaang buwan. Makikitang masaya si Sarah sa kanyang bagong role bilang maybahay ni Matteo. Ayon pa sa ibang fans, talaga namang mas gumanda at mas naging blooming si Sarah matapos silang magpakasal ni Matteo!
Matatandaang February 20 noong ikinasal ang dalawa sa BGC, Taguig City. Isang malaking sikreto ang kasalan nila noon, ngunit hindi inaasahan ng dalawa na makakarating pa rin ito sa nanay ni Sarah na si Mommy Divine. Simula noon, nagkaroon na ng matinding hidwaan sa pagitan ni Sarah at ni Mommy Divine.
Sa kabila ng lahat, pinipilit pa rin ng mag-asawa ang muling mabuo ang magandang samahan nila sa mga magulang ni Sarah. Sa ngayon naman ay naka-abang pa rin ang mga fans kung kailan magkakaroon ng baby ang dalawa.
Read also: Matapos ang Apat na Taong Pagsasama, Toni, Aminadong Hindi na Kinikilig kay Direk Paul
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
The post Matteo, May Sweet na Mensahe sa Misis na si Sarah sa Nalalapit Nilang Wedding Anniversary appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments