Coco Martin, Umalma sa Akusasyon ni Robin Padilla! Itinanggi na Minamaltrato ni Coco ang Kanyang mga Staff

Isa si Coco Martin sa mga pinakasikat na aktor sa Kapamilya network. Siya ang main character at direktor sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na kilala sa pagiging longest-running primetime show sa Pinas. Dahil dito, maraming artista ang nais makatrabaho ang 39-anyos na aktor na ito. Ngunit may mga kumakalat rin na tsismis tungkol sa attitude ni Coco.

Noong 2020, ipinahayag ni Coco ang kanyang saloobin tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN. Hindi mapigilang maging emosyonal ng aktor habang pinupuna ang administrasyon, na tahasan raw ipinasara ang Kapamilya network. Marami namang nag-react sa statement ni Coco, at isa na sa kanila ay ang action star na si Robin Padilla.

Read also: Angel Locsin, Masayang Ipinagdiwang ang Ika-94 na Kaarawan ng Kanyang Daddy Angelo

Kilala rin si Robin sa pagiging masugid na supporter ni Pres. Rodrigo Duterte. Sa Instagram, pinasaringan ni Robin ang “Ang Probinsyano” star tungkol sa di umano’y hindi magandang treatment nito sa ibang staff. Nagsimula ito matapos ikumpara ng isang netizen ang acting style ni Robin at Coco.

“Nagkataon lang na wala akong ganang mag pelikula dahil sa nangyayari sa likod ng camera. Matagal na pong practice yan, natututunan lang po yan ni Direk Coco sa mga naunang action stars.

“Siguro po mainam sabihin nyo po kay Direk Coco na wag bubuhusan ng tubig yun mga crew na nakakatulog sa pagod at pagpatol sa location manager na babae,” pahayag ni Robin.

Sa kabilang banda, itinanggi naman ng kampo ni Coco ang mga akusasyong ito.

Sa isang follow-up statement, nilinaw nila na matagal nang nangyari ang insidente kung saan binuhusan ni Coco ng tubig ang kanyang staff. Ayon pa sa kanila, ito ay biruan lamang nila, at alam rin ito ng mga staff.

“Yung buhos ng tubig ay matagal na nilang laro sa mga teleserye. Kapag napa-pack [up] ang taping, buhusan ng tubig ang katuwaan nila. Sinisiguro niya na may pagkakakitaan ang mga crew kapag natatapos ang programa. Katulad ng 12 crew na binigyan niya ng pedicab at panghanapbuhay,” pahayag ng kampo ni Coco.

Read also: Doug Kramer, Proud na Ipinasilip ang Ipinagawang High-Tech na Home Theater sa Loob Mismo ng Kanilang Dream Home!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parhong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

The post Coco Martin, Umalma sa Akusasyon ni Robin Padilla! Itinanggi na Minamaltrato ni Coco ang Kanyang mga Staff appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments