FACT-CHECK: Hindi nag-scout salute si Pope Leo XIV sa kaniyang unang paglabas sa St. Peter’s Basilica

CLAIM: Nag-scout salute si Pope Leo XIV matapos siyang mahalal.
 
RATING: ALTERED

 

Isang Facebook post ang nagpapakalat ng maling edited na litrato kung saan makikitang naka-scout salute si Pope Leo XIV mula sa St. Peter’s Basilica matapos siyang mahalal bilang Santo Papa.

Makikita sa in-edit na larawan si Pope Leo XIV na nakataas ang tatlong daliri habang suot ang kanyang opisyal na kasuotang pang-papa—na agad binigyang-kahulugan ng post bilang scout salute.

May kalakip pa itong caption na nagsasabing, “Fui scout, inclusive antes de ser sacerdote…” na ang ibig sabihin ay, “Scout ako bago pa ako naging pari…”

Subalit, sa orihinal na litratong kuha ni Ettore Ferrari, makikita lamang si Pope Leo XIV na kumakaway sa mga tao sa kanyang first appearance bilang Santo Papa mula sa central loggia ng St. Peter’s Basilica.

Wala ring anumang tala sa kanyang opisyal na talambuhay na siya ay naging miyembro ng scout.

Umani na ng 175 reactions at 21 shares ang nasabing post. Dulce Amor Rodriguez


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Post a Comment

0 Comments