
CLAIM: Si dating pangulo Rodrigo Duterte ay nakalaya sa pagkulong at nakatakdang bumalik sa Pilipinas.
RATING: HINDI TOTOO
Isang clip ng panayam ni bise presidente Sara Duterte ang kumakalat sa TikTok, na maling nagpapahayag na ang kanyang ama, si dating pangulong Rodrigo Duterte, ay nakalaya na sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) at nakatakdang bumalik sa Pilipinas.
Pinapakita ng bidyo si Sara na nagpapasalamat sa mga tagasuporta ng kanyang ama habang ang dating pangulo ay arestado dahil sa umano’y crimes against humanity.
Nilagyan ito ng caption na “FPRRD makakauwi na sa Pilipinas,” na pinapahiwatig na ang dating pangulo ay pinalaya na.
Ang clip ay kinuha mula sa isang report ng SMNI News na ipinalabas noong Marso 25.
Sa buong recording, walang pormal na anunsyo na pinalaya na mula sa ICC si dating pangulong Duterte. Binanggit lamang ni Sara na nais ng kanyang ama na bumalik sa Pilipinas upang tumakbo muli bilang mayor ng Davao City.
Walang rin anunsyo mula sa opisyal na mga Facebook page ni Sara at Rodrigo Duterte na siya ay nakalaya na.
Ayon sa Case Information Sheet ng ICC tungkol sa dating pangulo, ang susunod na hakbang ng prosekusyon ay ang pagkumpirma ng mga kaso, na nakatakdang magsimula sa Setyembre 23.
Sa kasalukuyan, ang TikTok clip ay nakakuha na ng 73,500 reaksyon at 4,541 na shares. Lance Isaac Reamon
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: No statements came from Putin, Xi, Kim addressing Duterte’s arrest
Another round of fabricated quotes has circulated on social media, this time misrepresenting Russian president Vladimir Putin, North Korean leader Kim Jong-un, and Chinese president Xi Jinping.

FACT CHECK: ICC has not junked cases against Duterte
Pro-Duterte social media pages have falsely claimed that the International Criminal Court (ICC) has dropped charges against former president Rodrigo Duterte for crimes against humanity.
0 Comments