PANOORIN: Paano minamanipula ang mga Pilipino?

Paano nga ba minamanipula ang kamalayan ng mga Pilipino para paniwalaan at suportahan ang mga ideya na kontra sa kanilang interes? 

Mahalagang tutukan at siyasatin ang mga hinihinalang influence operations dahil sa pangunahing layunin nito: ang baguhin at manipulahin ang pag-iisip ng tao sa di-tahasang paraan.

Malaki ang implikasyon nito sa demokrasya. Hindi man ito tahasang pakikialam sa mga gawain ng gobyerno at ng bansa, maaaring maapektuhan ng influence operations ang demokratikong mga proseso, tulad ng eleksyon at referendum. Nikko Balbedina

Ano nga ba ang influence operations?

Nathaniel R. Melican
PressOne.PH

Na-“budol” ka na ba na bumili ng isang produkto dahil magaling mag-endorse nito ang iyong paboritong artista? O di kaya’y napakain sa isang restaurant dahil mukhang masarap ang mga litrato ng pagkain sa mga bintana nito?

Kung ang sagot mo sa mga ito ay oo, hindi ka na bago sa pangi-impluwensya na dulot ng advertising.

Pero paano kung mga bansa, propagandista, o mga troll ang nagtatangkang mangumbinsi sa iyo na magbago ng paningin sa mga isyu, tulad ng girian sa West Philippine Sea, o kahit na sa lokal na politika? Dito na papasok ang tinatawag na influence operations. Ano ba ito, at bakit mahalaga itong tutukan? Alamin natin dito. 

 


This report was made possible by an Internews project to build the capacity of news organizations in understanding disinformation and influence operations in the Philippines.



Post a Comment

0 Comments