FACT-CHECK: Hindi nagpakalat ng “fake news” si sen. Hontiveros sa pagdinig ng senado kay Harry Roque

CLAIM: Gumamit daw si sen. Risa Hontiveros ng “fake news” bilang ebidensya sa posibleng koneksyon ni Harry Roque sa Tsinong pugante na si Sun Liming.

 

RATING: HINDI TOTOO

 

Isang page sa Facebook na “Balitang Totoo” ang maling nagparatang kay sen. Risa Hontiverso na siya umano’y gumagamit ng “fake news” sa pag-kwestyon sa hearing ng dating tagapagsalita ng pangulo na si Harry Roque.

Maling sinabi ng post na gumamit ang daw senadora ng mga haka-hakang akusasyon para idiin si Roque at mga kaalyado ni dating pangulong Duterte sa isyu ng Philippine offshore gaming operations o POGO sa bansa.

Mali ding idiniin sa parehong post na ang pagkakaaresto kay Sun Liming, base sa mga kaso nito sa Tsina, ay walang kinalaman sa kasalukuyang hearing ni Roque.

Nauna nang iniulat ng media na si Sun Liming (alias Khuon Moeurn) ay posibleng konektado sa operasyon ng kontrobersyal na POGO na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga bilang IT manager nito, ayon sa kumpirmasyon ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz.

Matatandaang si Roque ay nakalistang “legal head” sa organizational chart ng Lucky South 99 ayon mismo kay Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) chief Alejandro Tengco.

Naaresto si Liming/Mouern noong Hulyo 27 sa isang bahay sa Tuba, Benguet na siya umanong pag-aari ni Roque ayon sa POACC.

Naglabas din ng pahayag ang PAOCC sa isang news release sa pamamagitan ng Presidential Communications Office nitong Agosto 24 kung saan sinabi ng ahensya na patuloy na lumilitaw ang pangalan ni  Roque sa kanilang imbestigasyon sa POGO. PressOne.PH


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Post a Comment

0 Comments