Alam naman nating lahat kung gaano kalaki ngayon ang problema natin sa paglaganap ng mali-maling impormasyon, lalo na sa social media.
Sa pakikipagtulungan ng PressOnePH at ng RedBin Philippines, ito ang aming pag-fact check sa mga claims na pinaniniwalaan ng ilang mga bata online.
Red Bin Philippines graphics
1. Pwede nang tumira sa Moon?
Sabi sa tiktok, pwede na tumira sa moon pagdating ng 2029.
Sasakay kami sa spaceship.
- News By Kids Fact-Check: Pwede na bang tumira sa moon sa 2029?
ANG TOTOO: Hindi. Ayon sa NASA, masyadong mahina ang atmosphere ng moon at wala ring tubig doon. Pero maaaring i-colonize ng tao ang moon sa hinaharap.
Maraming mga bansa na nagplaplano magpadala ng missions o rovers sa moon sa 2029. Hindi naman ibig sabihin na pwede nang tumira doon.
2. Bagong earth na pwedeng tirahan?
May bago nang earth na titirhan ang mga tao sabi sa isang video sa YouTube.
May tutubong trees and mga animals na buhay doon.
Lilipat na tayo doon sa future.
- News By Kids Fact-Check: May bagong nadiscover na earth
ANG TOTOO: May na discover na isang planeta ang NASA na “maaaring” kaparehas ng ating planeta na kayang magkaroon ng tubig at posibleng mabuhay ang mga tao o hayop. Yung nga lang, hindi pa napapatunayan kung may tubig sa planeta, o may halaman o ibang nilalang na nabubuhay doon. Hindi pa din napatunayan kung kayang mabuhay ng tao sa bagong nakitang planeta na ang layo mula sa planetang Earth ay 137 light years. Ang isang light year ay katumbas ng 9.461 trillion kilometers! Malayong byahe yan!
3. Magkahiwalay na facebook ng bata sa matanda
Narinig ko sa nanay ko na dapat hiwalay daw ang facebook ng bata sa matatanda. Hindi ko maintindihan kung bakit dahil wala naman akong ganon. Tinanong ko ang nanay ko kung bakit yon nasabi, ang sagot nya lang sakin ay “Basta”! Gusto kong pasukin ang mundo ng Facebook para maintindihan ang nanay ko.
Ngayon malaki na ako at may kakayahan na akong gumamit ng facebook, naunawaan ko na ang sinasabi ng nanay ko noon. Dapat ay maging maingat tayo sa pag-gamit ng facebook lalo na’t iba’t ibang edad ang gumagamit nito. Ngayon ay gusto ko ng lumabas at wag na pasukin ang mundong facebook
- News By Kids Fact-Check: Dapat na hiwalay ang Facebook ng matatanda
ANG TOTOO: Ang Facebook ay isang social networking site na bukas sa lahat ng users, anuman ang edad. Walang policy ang Facebook na paghiwalayin ang mga user nito ayon sa edad.
Ngunit mayroong Community Standards ang Facebook, at ito ay naglalaman ng kung ano ang pwede at hindi pwedeng gawin sa site. Dito rin nakasaad na dapat may “authenticity at integrity” ang mga account sa Facebook.
4. May sirena sa Batangas?
May napanuod po ako sa social media na may na kita daw pong sirena sa isang Lugar sa Batangas totoo daw po ba ito o isang edith lang daw po o di kaya isang malaking isda lang daw ang kanilang nakita at sila ay namalikmata lang daw na akala nilang sirena ay isang isda lng palang malaki.
- News By Kids Fact-Check: May sirena sa Batangas?
ANG TOTOO: Lumabas ang istorya na ito sa programa ni Jessica Soho sa GMA Network, ngunit walang nakitang kahit anong ebidensya na ang narecord sa video ay isa talagang sirena. Maaring isa lamang itong isda, buoy, o di kaya tao na nagpa-praktis lumangoy.
Ang mga sirena ay matagal nang alamat. Ngunit ayon sa National Ocean Service ng Amerika, “No evidence of aquatic humanoids has ever been found.”
5. Kailangan kumain ng masustansiyang pagkain
Ako po si althea napanuood ko po sa youtube na kailangan daw po natin kumain ng mga masusustansiyang pagkain ng sa ganon po tayo ay maging healthy at lumakas ang ating pangangatawan upang hindi po tayo agad dapuan ng mga sakit lalo na po ang mga virus na mga kumakatat po ngayon sa ating bansa kaya ugaliin po natin kumain ng mga masusustanyang pagkain at tayo po ay mag exercise din po araw-araw
- News By Kids Fact-Check: Kailangan kumain ng masustansiyang pagkain
ANG TOTOO: Kung ang tanong ay kailangan bang kumain ng masustansyang pagkain para maiwasan ang sakit, ang sagot ay tama.
Ang Department of Health ay mayroong Nutritional Guidelines for Filipinos na nagrerekomendang dapat kumain ng ibat-ibang uri ng pagkain araw-araw para makakakuha ang katawan ng tamang nutrisyon.
Mayroon ding Daily Nutritional Guide Pyramid para sa ibat-ibang edad, kasama ang mga nakatatanda, at buntis.
6. Mababan na daw ang Tiktok?
Napanood ko sa Youtub na mababan ang tiktok dahil maraming bata ang nakakapanood ng masasama mga mura at iba pa oo naniniwala ako na mababan ang tiktok dahil marami ng masasama na napapanood
- News by Kids: Mababan na ang Tiktok
ANG TOTOO: Hindi mababan ang TikTok sa Pilipinas. Kino consider pa lang ng gobyerno ng Pilipinas na i-ban ang TikTok sa bansa dahil baka daw ito ginagamit sa cyberespionage. Wala ding sinabi ang gobyerno na ibaban ang app sa bansa dahil marami umano itong masamang video. Sa ngayon, walang final na decision ang mga awtoridad kung ipagbabawal ang sikat na app sa Pilipinas.
7. May pating sa Boracay?
Napanood namin kaibigan ko sa tiktok na may pating sa borakay naniniwala ako na may pating sa borakay dahil dagat ito tiyaka ito ay yamang tubig at nakakatakot dahil nangangain daw ito ng tao
- News by Kids Fact-check: May pating na nangangain ng tao sa Boracay
ANG TOTOO: Mayroong mga sharks na makikita sa Boracay. Ayon sa Philippine Association of Dive Instructors (PADI), makikita sa Boracay ang reef sharks. Minsan na ding nakita ang whale sharks, o butanding sa Boracay. Pero wala pang napabalitang pating na umatake at kumain ng tao sa Boracay. Safe na safe lumangoy sa dagat ng Boracay.
8. May Treasure sa loob ng Titanic?
I want to go inside the titanic ship because I want to see the treasure inside. If I see a treasure, I will be super happy because I will be come rich. If I don’t see the treasure, I will just explore the inside of the ship.
- News by Kids Fact-Check: May treasure nga ba sa loob ng Titanic?
ANG TOTOO: Totoo! Noong May 2023, na discover ng isang deep-water investigation company ang isang kwintas na may pangil ng prehistoric na pating na Megalodon. Ang pangil ay nababalot ng ginto! Mula nang lumubog ang Titanic noon April 15, 1912, mahigit 5,000 mga bagay ang nakuha dito. May mga alahas, musical instruments at maraming iba pa na naibenta sa public auction at nabenta sa mataas na halaga. Pero hindi kahit sino ay maaring pumunta sa wreckage site ng Titanic at kunin ang kahit anong bagay doon. May mga batas na nagbabawal laban sa basta bastang pagkuha ng bagay doon. Higit sa lahat, hindi madaling puntahan.
9. Maghihiwalay na daw ang BTS?
May nakita ako sabe sa internet maghihiwalay na daw ang bts? Di ko nga sure kung totoo e kasi super idol ko sila lalo na si Jungkook, siya ang bias ko. Nakita ko rin pala sa internet na pupunta raw sila dito sa pilipinas? Hala grabe di ako makapag intay, gusto ko na sila makita tapos kantahin nila ang favorite kong song na DYNAMITE
- News by Kids Fact-Check: Maghihiwalay na daw ang Kpop boyband na BTS
ANG TOTOO: Hindi. Walang katotohanan na maghihiwalay o magkakanya-kanya na ang mga myembro ng Korean boyband na BTS. Mismong si BTS member SUGA ang nagsabi na hindi sila maghihiwalay at magsasama sama pa sila sa loob ng 10 years. Nag renew pa nga ng kontrata ang BTS sa kanilang management company noong Sept. 2023.
10. May Roblox theme park sa SM Mall of Asia?
Magkakaroon na daw ng roblox theme park sa sm mall of asia. Sabi sa tiktok may mga rides din na pwedeng pangbata. Excited na ko makakita ng mga roblox dun kasama family ko
- News by Kids Fact-Check: Magkakaroon ng Roblox Theme park sa SM Mall of Asia
ANG TOTOO: Hindi. Walang Roblox Theme Park sa may SM Mall of Asia. Pero noong April 2023, na transform bilang Roblox version ang lahat ng Superkids Zone ng lahat ng SM Mall sa Pilipinas bilang promotion ng SM in partnership sa isang digital agency. Hindi ito permanenteng theme park. Sandaling promotion lamang ito. Walang announcement ang SM na magkakaroon sila ng permanenteng Roblox Theme Park sa SM Mall of Asia o sa alin pang mall nila sa bansa.
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: 10 mga post online na maaaring pinaniniwalaan ng mga bata
Alam naman nating lahat kung gaano kalaki ngayon ang problema natin sa paglaganap ng mali-maling impormasyon, lalo na sa social media. Sa pakikipagtulungan ng PressOnePH at ng RedBin Philippines, ito ang aming pag-fact check sa mga claims na pinaniniwalaan ng ilang mga bata online.
FACT-CHECK: TikTok will not be banned in the Philippines
There is also no evidence of moves to ban TikTok in the Philippines or any country around the world because it supposedly hosts videos that are deemed harmful to kids.
FACT-CHECK: Boy Abunda did not call Michelle Dee ‘irresponsible’ on TV show
An X ad falsely claimed that TV host Boy Abunda had criticized Michelle Dee on his show “Fast Talk” aired last year, Oct. 30.
The post FACT-CHECK: 10 mga post online na maaaring pinaniniwalaan ng mga bata appeared first on #PressOnePH.
0 Comments