Ginulat ng dating aktor at multi-millionaire host na si Willie Revillame ang madali matapos siyang dumalo sa Miting De Avance ng BBM-Sara Uniteam sa tabi ng Solaire Resort & Casino Manila sa ParaƱaque City noong nakaraan sabado, Mayo 7.
Matapos itanghal ni Willie ang kaniyang mga hit songs ay ikinuwento niya kung bakit siya nasa entablado kahit ayaw niyang ma involve sa pulitika.
“Nandito ako para sa inyo. Ako, walang halagang presyo ito. Pinag-isipan ko itong mabuti. Ayokong ma-involve sa pulitika,”
Ayon sa kaniya, tinawagan siya ni pangulong Rodrigo Duterte upang hikayating maging senador ngunit alam niya sa sarili niya na hindi niya ito dapat pasuking trabaho.
Bagkus, nais niyang manawagan sa lahat ngmga kandidato at sa bawat magiging opisyal na mahahalal ngayong eleksyon.
“Nandito ako para lang i-share sa inyo, hindi ako puwedeng maging senador. Hindi ko kayang maging senador. Kung ano lang ang kakayanan ko, yun lang ang gagawin ko.
“Mahirap lokohin ang sarili ko at sayang ang boto niyo para sa akin.
“Kaya kong magsilbi na wala akong posisyon. Kaya kong tumulong [mula] sa sarili kong pinaghihirapan. Iyan ang kaligayahan ko, ang makita kayo na masaya.”
Dagdag pa nya, “Ang hirap ng buhay ng mahirap. Araw-araw for 18 years, nag-noontime show ako, from ABS, TV5 at GMA.
“Ano ang laging daing ng mahirap? Gamot, pagkain, kinabukasan ng mga anak nila. Yun ang araw-araw na naririnig ko. Yun ang dapat ninyong mararamdaman. Yun ang dapat nalalaman ng ating mga pulitiko.
Sa huli, may hiling si Willie sa mga kandidato, “Sa mga kasama ko dito, sana makasama ko sila. Silang mga nakaupo, ako’y magiging tulay ng mga mahihirap.
“Magiging boses, magiging tagabulong sa kanila sa inyong mga pangangailangan. Kayo, kayo, kayo ang importante sa buhay.
“Ano ba ang ibig sabihin ng buhay? Dapat nakangiti kayo,”
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion!
The post Willie Revillame, Inamin Sa Publiko Ang Dahilan Bakit Hindi Pinasok Ang Mundo Ng Pulitika appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments