Skusta Clee, Binatikos Ng Publiko Matapos Sabihin Ang Bagay Na Ito

Agad na umani ng batikos ang singer at rapper na si Skusta Clee matapos sa wakas ay basagin niya ang kaniyang katahimikan laban sa mga inakusa sa kaniya ng dating live in partner na si Zeinab Harake.

Sa interview ng vlogger na si Zeinab sa Youtube channel ni Toni Gonzaga na Toni Talks, ibininulgar nito ang malagim na pinagdaanan niya sa kamay ni Skusta.

“Nawala si Moon. Wala na kami nung tatay habang buntis ako,”

Ang tinutukoy ni Zeinab na Moon ay ang kaniyang pumanaw na anak na hindi kinaya ang kaniyang maselan na pagbubuntis.

“Nakunan ako. Nagburol ako ng baby ko. Nilibing ‘yung baby ko. Mag-isa lang ako,”

Ikinuwento niya rin na inamin ng rapper ang lahat ng mga kasalanan nito sa mag ina.

“’Yung inamin niya sobrang brutal, sobrang gusto ko talagang [magwala] ‘pag naaalala ko. Nandidiri ako sa sarili ko, sa baby ko. Naawa ako kay Bia,”

Dagdag ni Zeinab, “Hindi ko alam saan ako lulugar. Hindi ako perpektong asawa pero hindi ‘yun reason para ganunin ako para sa lahat ng ginawa ko para sa’yo.”

Samantala, noong Miyerkules, May 11 ay naging aktibo si Skusta sa kaniyang accounts upang ipromote ang kaniyang bagong kanta.

Walang ibang pahayag ang singer ukol sa naging interview ni Zeinab ngunit makikitang tila isang apology song ang irerelease ng rapper dahil sa caption sa kaniyang post na, “‘Di bibilangin ang pagkakamali. Patawarin mo akong muli. 05.13.2022 #Kumpisal”

At tulad ng inaasahan, hindi naging maganda ang reaksyon dito ng netizens.

“”It doesn’t make you less a man if you know how to RESPECT a woman”
Woman may forgive, but never forget the pain and emotional trauma inflicted in their innocent heart and mind. Lesson learned to this woman.”

“Itapon mo na lalaking yan!!feeling gwapo mukha nmng inidoro!”

“once a cheater always a cheater.. zebbie pls lng bia sapat na.. ”

“LAKAS MO MAGLOKO ANG PANGIT MO NAMAN ANO KA GOLD ! ”

“Zeinab Harake do not settle for less. You deserve the best! 🫶”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Skusta Clee, Binatikos Ng Publiko Matapos Sabihin Ang Bagay Na Ito appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments