Rob Moya, binatikos ng netizens matapos kumalat ang video na may kahalikang babae!

Kasalukuyang tumatanggap ng samu’t saring komento ang dating aktor at ngayong vlogger na si Rob Moya matapos kumalat ang video niya na may kahalikang babae sa bar.

Matatandaan na nagwala pa si Moya sa mismong birthday nito matapos niyang aminin sa dati niyang kasintahan na si Toni Fowler na mahal niya pa rin ito.

Nasundan rin ito ng mga vlogs na sinasabing mahal niya pa si Toni, at isang proposal kung saan ibinato lamang ng vlogger ang singsing sa mukha ni Moya.

Matapos naman nito ay ang aktres at host na si Yassi Pressman ang kaniyang tinanong kung pwede niya ba itong ligawan.

Ayon kay Moya, desidido siyang ligawan si Yassi at kung sakaling sagutin siya nito ay magpapaka loyal na siya.

Huwag din nating kalimutan na bago ang lahat ng ito ay niyaya niya rin ng kasal ang dati niyang kasintahan na Jen Del Rosario.

Kung kaya naman sunod sunod na pangbabatikos ang natanggap ni Moya dahil sa video na ito.

Ayon sa vlogger, hindi niya umano maintindihan kung bakit kailangan palakihin ng netizens ang bagay na ito.

“Wala ditong isyu,”

Dagdag pa niya, wala siyang girlfriend, anak, o sinuman na ka M.U kung kaya naman hindi na dapat ginagawa pang problema ang ganoong bagay.

Para kay Moya, hindi maiiwasan ang mga ganitong pangyayari lalo kung nace carry away siya ng saya sa party.

Paliwanag naman ni Rob, namimiss din niya ang magkaroon ng kasintahan na kasama sa mga kasiyahan.

“Namimiss kong magkaroon ng partner to enjoy good times with,”

Pagdidiin niya, “Hindi ko magets, ewan ko lang bakit gagawing malaking issue ito.”

Wala rin umanong katotohanan ang mga usap-usapan na babaero siya dahil kung sakaling hindi siya single ay hindi niya gagawin ang bagay na iyon.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion!

The post Rob Moya, binatikos ng netizens matapos kumalat ang video na may kahalikang babae! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments