Matapos madawit sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla ay hindi talaga naglabas ng kahit anong saloobin ang aktres na si Erin Ocampo tungkol dito.
Not until lately kung kailan mukhang settled na si Aljur sa kasintahan nitong si AJ Raval at si Kylie naman na busy sa kaniyang mga projects.
Sa panayam ni Erin sa PEP.ph, sinabi niyang kahit magkaibigan sila ng aktor ay hindi niya na ito nakaka usap nang matagal na panahon na.
“Actually, hindi ako nainis kasi si Aljur kaibigan ko iyan, e. Nagba-badminton din kami dati. Hindi ako nainis, hindi rin ako natawa, deadma lang.
“Kaya nga wala akong sinagot nun, e, kasi, ‘Ay, another issue na naman, bahala kayo diyan,’ parang ganun,”
Ngunit paglilinaw ni Erin, hiwalay na ang dalawa bago sila naging magkaibigan ni Aljur.
“Matagal na kaming hindi nag-uusap, two years ago na.
“Hiwalay na sila nung maging magkaibigan kami, as in si Kylie nandun na kay Robin [Padilla], ganun. Kaya nagulat ako after a year, ‘Totoo ba?’
“Tapos may boyfriend na ako, ang tagal na nun.”
Naging kontrobersyal agad ang pahayag ni Erin dahil kung matatandaan ay sinabi ni Kylie sa isang tweet na April 2021 lang sila naghiwalay ni Aljur.
Nadawit si Erin sa mga babaeng pinag hihinalaang third party ngunit ibinunyag niya na may kasintahan siya noong mga panahon na iyon.
Ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.
“Wala na. Kahit after 2017 yung last relationship ko… Siya yung una ko uling pinost ha, 2021. Magwa-one year dapat.
“May mga misunderstandings, pero yung huli, nahuli ko siya, caught in the act,” lahad ni Erin.
Nahuli raw niyang may ibang babae ang nobyo.
“Nahuli ko nakaupo sa kama yung babae, tapos tinatanong ko yung ex ko, ‘Nasa’n ka?’ Ganyan.
“Sabi niya, ‘I’m here in my room.’ ‘Oh really, I’m here in your room.’
“Sabi niya, ‘I told you not to go there,’ ganun, ganyan.’
“Wala na, sinampal ko lang siya, tapos tinadyakan ko tapos umalis na ako,” ani ng aktres.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Aktres May Ibinulgar Tungkol Sakanila Ni Aljur Abrenica Na Ngayon Lang Nalaman Ng Lahat appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments