Nadine Lustre May Inamin Sa Kanyang Medical Condition Sa Publiko!

Marahil maraming tao ang naka-relate sa sitwasyon ng sexy actress na si Nadine Lustre matapos ang matapang na pag-amin nito tungkol sa madalas na pamamasa ng kaniyang kilikili.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng celebrity doctor na si Dr. Aivee Teo ang pag-amin na ginawa ng aktres. Sa nasabing vlog ay inihayag rin ng aktres na ang labis na pamamasa ng kilikili ang dahilan kung bakit hindi ito madalas magsuot ng colored na damit.

“My issue is that I can’t wear grays, I can’t wear anything colored. Because when I sweat, it’s really here sa back. I sweat a lot,” sambit ni Nadine sa vLog.

Dito pumasok sa isipan ng marami kung bakit parating naka sleeveless ang aktres sa mga OOTDs nito at mga guestings sa TV. Tila iniiwasan nitong mahalata ang labis na pamamasa ng kilikili kung kaya’t mas pinipili nitong magsuot ng sexy at sleveless na mga kasuotan.

Upang bigyan ng pagkakataon ang aktres na magsuot nang muli ng colored shirts ay to the rescue si Dr. Aivee upang solusyonan ang excessive underarm sweating ni Nadine Lustre.

Sa nasabing YouTube video ay sumailalim ang aktres sa first session ng underarm botox. Sa pamamagitan nito ay mababawasan ang wetness o labis na pamamasa ng kilikili nito.

Dagdag pa ni Dr. Aviee, ang excessive underarm sweating ay isa sa mga pang-karaniwang problema ng mga celebrities dahil na rin sa madalas na pagka-expose nila sa mainit na ilaw sa mga shoots.

“Of course, Nadine shoots and when she’s shooting the lights are so strong and intense and one of the concerns is not to sweat,” pahayag ng celebrity beauty doctor.

Samantala, tila marami ang nakarelate kay Nadine Lustre. Sa katunayan ay marami pa nga ang humanga dahil sa matapang na pag-amin nito sa kakaibang karamdaman. Dagdag pa ng netizens ay mas kahanga-hanga ang aktres sapagkat hindi naapektuhan ng pamamasa ng kaniyang kilikili ang kaniyang confidence.

The post Nadine Lustre May Inamin Sa Kanyang Medical Condition Sa Publiko! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments