Yamyam Gucong, masayang ibinalita na engaged na siya sa kaniyang long term girlfriend

Tuwang-tuwa ang mga fans ng Pinoy Big Brother Otso grand winner na si Yamyam Gucong matapos niyang ibalita ang kaniyang pag ppropose sa kaniyang long time non-showbiz girlfriend.

Sa isang Instragram post, ibinahagi ni Gucong na napag pasiyahan niyang surpresahin ang kaniyang kaisntahan sa mismong jewelry shop kung saan niya binili ang singsing.

Ayon kay Gucong, alam niyang malamang ay sawa na umano ang kaniyang nobya sa kaniyang mga iba’t ibang pakulo at surpresa noon kung kaya naman naisipan niyang sa mismong tindahan niya gawin ang proposal upang maiba naman.

Makikita namang gulat na gulat ang kasintahan ng komedyante, na nakunanang nakaluhod at hawak-hawak ang kanilang engagement ring.

Sulat pa ni Gucong sa caption, “Alam kung immune ka na sa mga surprises ko sa ‘yo dati at gusto kong maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kita ng ‘papayag ka ba na maging asawa ko?’”

Ang mga kaibigan ni Gucong mula sa showbiz at mga followers niya ay agad binaha ang comment section upang batiin ang mag-fiance.

Ang ilan sa mga kilalang tao na nagpadala ng kanilang pagbati at well wishes para kay Gucong ay ang kanyang kapwa “PBB” housemates na sina Fumiya, Argel Saycon, at Andre Brouillette.

“Congrats bro,” ani Fumiya.

“So happy for you brotha, God bless you both and your new journey together as one,” komento ni Brouilette.

Nakatanggap din siya ng mga mensahe mula kina Melai Francisco, Richard Juan, Say Alonzo, at Vivoree Esclito.

Ang announcement ng kanilang engagement ay lumabas lamang pagkatapos ibahagi ni Gucong na siya ay nagtatayo ng isang bahay para sa kanyang pamilya sa kanyang lalawigan sa Bohol.

“Totoo pala talaga sabi nila ang hirap magpatayo ng bahay sa gitna ng pandemya. Lasap na lasap ko ang pressure at budget,” aniya.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Yamyam Gucong, masayang ibinalita na engaged na siya sa kaniyang long term girlfriend appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments