Wilbert Tolentino, ibinunyag na niregaluhan niya ang kaniyang alaga na si Madam Inutz ng bahay at lupa

Tila nga tuluy-tuloy na si Daisy Lopez, mas kilala sa tawag na “Madam Inutz”, “Ang Mama-bentang Live Seller ng Cavite,” sa kaniyang pagtahak sa showbiz.

Ito ay dahil sa solidong suporta at patnubay na nakukuha niya mula sa dating Mr. Gay World Philippines titlist-businessman-philanthropist na si Wilbert Tolentino, ang kanyang manager din.

Dinala ni Madam Inutz ang kanyang makulay at buhay na buhay na personalidad sa loob ng “Pinoy Big Brother House” dahil napili siya bilang isa sa housemate ng PBB Kumunity Season 10. Siya ay isa sa unang tatlong opisyal na housemate na inihayag na pumasok sa bahay ng PBB.

Bago naging opisyal na bahagi ng PBB si Madam Inutz, ni-release niya ang kanyang debut single na “Inutil” at naitala rin ang kanyang susunod na kanta para sa kapaskuhan, “Sangkap ng Pasko”.

Ang “Inutil” ay g isang bagong novelty song habang ang “Sangkap ng Pasko” ay isang ballad na maaaring lubos na makaugnayan ng bawat isa dahil ito ay isang kanta na perpekto para sa buong pamilyang Pilipino.

“Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy. Sobrang makare-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay ang pagmamahal sa pamilya,” ani Wilbert.

Gayundin, hindi tumigil si Wilbert sa pagbibigay ng mga sorpresa kay Madam Inutz sapagkat siya at ang kanyang pamilya ay talagang deserving dito.

Noong Oktubre 5, bago siya mag-quarantine sa hotel para sa PBB, nakatanggap si Madam Inutz ng maagang regalo at sorpresa mula kay Tolentino – bahay at lote sa Bulacan.

Hindi naman mapigilan ni Madam Inutz na maiyak sa pakulo ng kaniyang manager.

“Huwag ka na umiyak. Deserved mo ‘yan, deserved mo ito,” maririnig na sabi ni Wilbert.

“This is also a motivational gift for Madam Inutz so that she will focus on her work and push herself to do her best inside the Pinoy Big Brother house,” dagdag pa niya.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Wilbert Tolentino, ibinunyag na niregaluhan niya ang kaniyang alaga na si Madam Inutz ng bahay at lupa appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments