Agaw pansin ngayon sa social media ang mg amang si Jeric Raval at Vanessa, na nag trending matapos iupload ng dalaga ang video nilang dalawa habang nasa bahay.
Si Jeric ay isang tanyag na action star na kilala sa pagkakaroon ng labing walong anak sa iba’t ibang babae. At kahit sandamakmak ang naging chikiting ng aktor ay makikitang hindi naman nagkukulang ito pagdating sa atensyon at pagmamahal na ibinibibigay niya sa mga ito.
Sa kaniyang ekslusibong panayam sa PEP.ph, sinabi nitong:
“Ako, bilang ama, masasabi kong wala akong pagkukulang kasi ever since, I’m very supportive sa mga anak ko.
“Close ako sa mga anak ko, barkada ko ‘yan, kalaro ko ‘yan, pati mga lalake. Hangga’t makakaya ko, ibinibigay ko sa kanila.
“They know each other kaya walang problema.”
Hindi lingid sa kaalaman ng kaniyang mga fans na hands on pa rin sa kaniyang mga anak ang aktor, kung kaya naman hindi na sila nagugulat na close na close siya kahit sa mga anak niyang ababe katulad na lamang ni AJ at Vanessa.
Hindi tulad ng aktres na si AJ, mas tutok si Vanessa sa pagti-Tiktok, at kakaiba rin ang nahihiligang hobby nito tulad na lamang ng pagta tattoo at pagmomotor.
Sa recent video na inupload niya sa kaniyang Instagram account, ipinakita nito na ipa prank niya ang kaniyang ama sa pamamagitan ng pakikipag picture dito habang naka suot ng bra, ngunit katulad ng kaniyang inaasahan ay agad na nag reklamo ang aktor at pinagalitan siya.
“Wag naman ganiyan yung bra!”
Maririnig na agad tumawa si Vanessa sa reaksyon ng kaniyang ama, at aliw na aliw naman ang netizens sa pagiging strikto ni Jeric sa mga babaeng anak nito.
“kung gano kasaya ung mga anak nya sa ginagawa nila dun mo malalaman na mabuting ama c jeric”
“Protective naman si Idol ‘ syempre malalaki na mga anak niya may kanya kanya ng isip yan ! At kagustohan makikitid lang talaga utak ng ibang tao ”
“Vane nmn kc ung bra hahahahahaha cute nyo mag ama salute tlga sau idol Jeric Raval”
https://www.facebook.com/watch/?v=645950869724954
What can you say about this story? Share your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Video ng mag ama na si Jeric Raval at Vanessa, agaw pansin ngayon sa social media appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments