Muli na namang nagbigay ng opinyon ang self proclaimed “Reyna ng mga SawsawerRRa” ang dating dancer at aktres na si RR Enriquez ukol sa isa sa mga pinaka nagbabagang isyu sa showbiz ngayon, ang hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
Ayon kay RR, kinailangan niya ang ihinto ang kaniyang ilan sa mga pinagkaka abalahan katulad na lamang ng ng pagba bike dahil todo abang na ang kaniyang mga fans na tinatawag niyang KasawsaweRRang Palaka sa kaniyang pananaw ukol sa kontrobersiya.
Ayon sa dating Wowowee dancer, “Grabe ang hirap pala maging SawSaweRRa… Kailangan updated ka or else magdi demand na ang mga KasawsaweRRang Palaka natin (Swipe to see the evidence)
“Ok hindi muna tayo magba bike.. Bigyan ko muna ng time ang pagiging SAWSAWERRA QUEEN natin or else ma evict tayo ng wala sa oras
“My opinion??
“Kapag maganda ka talaga deadma ka ano? I love how Kylie handle the situations.. No issue (sabi nya) huwag natin gawan ng issue.
“Kung ganyan ako kaganda, ganyan din magiging attitude ko. Deadma!! There’s so many fish in the ocean CHARROT!!!”
Dagdag pa niya, wala na rin umanong punto na ibuntong ang sisi at galit kay AJ Raval, ang young actress na ngayon ay nililigawan ni Aljur mahigit anim na buwan makalipas niyang makipag hiwalay sa dating asawa.
“But seriously she knows her worth and for as long as they are in good terms and doing a great job as a parent to their kids huwag na tayo maki alam at pag awayin pa sila.
“With AJ Raval huwag na natin sya ibash. Yung wife nga deadma! And mukhang wala namang agawan nangyari coz according to Kylie they separated April pa.
“Nasa 2021 na tayo. Usong uso naman na talaga siguro ang as friend, getting to know na nag aakbayan or holding hands in public? CHERET
“With Aljur infer ha mahilig ka sa mga anak ng Action Star Maganda din ang taste mo!! Idol CHINA ALL
”
What can you say about this story? Share your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post “Reyna ng mga sawsawera” na si RR Enriquez, sinabing kapuri-puri si Kylie Padilla sa issue ng ex-husband na si Aljur appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments