Ina ni AJ Raval, nagpasalamat kay Aljur Abrenica dahil sa pagtupad ng pangakong ito

Nagbahagi naman ng saloobin ang ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez matapos maglabas ng sentimyento ang aktor na si Aljur Abrenica ukol sa estado ng naging hiwalayan nia ng Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Ayon kay Kylie, Abril pa lamang ay hiwalay na sila, ngunit nitong Hulyo lamang kinumpirma ng dalawa sa publiko na co-parenting na lamang sila ng aktor.

Mula noon ay sunod-sunod na ang naging kontrobersya kadikit ng kanilang relasyon, lalo noong ibinunyag ng ama ni Kylie na si Robin na third party umano ang dahilan ng kanilang split up.

Nanataling tahimik ang kampo ni Aljur, ngunit tila napilitang magsalita ang Kapuso hunk matapos niyang maging lantad sa knaiyang developing relationship sa 21 year old sexy star na si AJ Raval.

Kung kaya naman kamakailan, si Aljur, 31, ay naglabas na ng kaniyang pahayag sa knaiyang mismong Facebook account upang ipagtanggol ang kaniyang sarili.

Ayon sa kaniya, nais niyang humingi ng dispensa kay Kylie sa pag basag ng kaniyang katahimikan sa kabila ng kanilang kasunduan na huwag magbabahagi ng kahit na anong bagay sa publiko.

Ngunit para kay Aljur, hindi na umano tama na nakakayanang umupo ni Kylie at manahimik habang siya ang sumasalo sa galit ng netizens.

Nagpahiiwatig din ito na tila si Kylie di umano ang naunang mangaliwa sa kanilang dalawa, kung kaya umabot sa puntong sumuko na lamang ang aktor sa kanilang kasal.

Matapos ang viral na pahayag ni Aljur ay sinabi ni Alyssa na hindi niya inaasahang lilinisin nito ang kaniyang pangalan alang-alang sa anak na si AJ.

Sa Facebook post ni Alyssa noong October 19, kung saan ni-repost niya ang mismong pahayag ni Aljur sa kaniyang timeline, sinabi niyang, “He told me everything from the start, para makilala ko Ang pagkatao nya, kung karapat dapat ba syang tanggapin ng pamilya namin.

“Tao syang lumapit sa amin kaya tao din namin syang tinaggap,”

Dagdag pa niya, “I kept my mouth shut. Nung nag ka issue na. mas pinili Kong masaktan para sa ank ko, dahil alam ko darating Ang Araw lalabas Ang totoo.

“kinain ko lahat ng mga pinagsasabi sa akin namasakit ng mga walang alam sa nangyayari.

“Para lang wag na lumaki pa.”

Tinawag niya ring “anak” si Aljur.

“Pero nag papasalamat Ako ‘anak’ kase tinupad mo Ang sinabi mong di mo kami pababayaan..

“alam ko Hindi lang ito para sa amin, pati narin sa mga taong nagmamahal at nasasaktan para sayo..”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Ina ni AJ Raval, nagpasalamat kay Aljur Abrenica dahil sa pagtupad ng pangakong ito appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments