Viral muli ang aktres na si Bea Alonzo matapos ang kaniyang kauna-unahang guesting sa longtime running late night gag show na Bubble Gang sa kaniyang bagong home networrk, ang GMA.
Bukod sa matagal nang pangarap ng aktres na mag guest sa nasabing show ay tila punong-puno din ng hugot ang kaniyang unang appearance sa Bubble Gang.
Sa isang teaser na ipinost ng show, mapapanuod na si Bea ay nagsasalita tungkol sa pag “iinvest” sa kaniyang boyfriend ngunit sa kasamaang palad ay nakuha ito ng iba.
“Siyempre, ang dami ko nang na-invest sa kaniya, no. Siyempre, ang dami na naming oras na pinagsamahan, tapos ang dami ko na ring mamahaling regalong naibigay sa kaniya. Tapos, aagawin lang siya ng iba?!” hugot ni Bea.
Matatandaan na noong taong 2019 ay labis ang pag hihinagpis ni Bea matapos di umano siyang ma “ghost” ng kaniyang ex boyfriend na si Gerald Anderson, na noon ay itinuturo na may third party.
Makalipas ang isang taon, inamin ni Gerald na magka relasyon na sila ni Julia Barretto, ang aktres na sinasabing naging mitsa ng hiwalayang Bea-Gerald.
Nagtagal ng tatlong taon ang relasyon ng dalawa.
Samnatala naman, tila impress na impress ang buong crew ng Bubble Gang sa premyadong actress na itinuturing na A-lister sa Kapamilya channel noon.
A-lister ang tawag sa mga artista na panay ang blockbuster movie sa takilya.
Ayon kay Faye Lorenzo, isa sa mga mainstays ng naturang Gag Show, lubhang napaka galing at natural ng aktres sa kahit anong scene.
Ayon kay Faye, “Parang kahit saan po siya ilagay puwede kayang-kaya niya po. Kahit mahaba po ‘yung script, [walang problema] kayang-kaya niya.
Dagdag pa niya, “Kasi nakausap ko si Kuya Betong [Sumaya], ka-eksena niya si Kuya Betong humanga rin sa kanya, kasi nga ang haba nung script niya wala man lang buckle. Hindi niya nalimutan, so grabe ang galing po.”
https://www.facebook.com/watch/?ref=external&v=403639607837518
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Bea Alonzo, Tila may Hugot Muli Para sa Kaniyang Ex sa Kaniyang First Guesting sa Bubble Gang appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments