AJ Raval, Buong Pagmamalaking Inamin na Nangliligaw si Aljur Abrenica sa Kaniya

Wala nang pagpapatumpik tumpik na inamin ng young actressna si AJ Raval ang tunay na kaugnayan niya sa aktor na si Aljur Abrenica matapos siyang gisahin ng miyembro ng mga press kamakailan lamang.

Ayon sa anak ng dating action star na si Jeric Raval, magpapaka ipokrito siya kung itatanggi niya pang walang namamagitan sa kanila ng 31 year old Kapuso actor.

Paliwanag niya, “Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami.

“Well, totoo naman na nag-uusap kami.”

Dagdag pa ng 21 year old sexy star, si Aljur din ang kaniyang suitor na tinutukoy niya sa vlog ni Donnalyn Bartolome na boyfriend material at nagagawang maiparamdam sa kaniya ang halaga niya bilang isang babae.

“Yes, siya. Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other,” pag-amin ni AJ.

Ngunit nilinaw din niya na wala pa silang kahit na anong opisyal na relasyon ni Aljur at nasa “dating” stage pa lamang.

Pagdating naman sa estado ni Aljur sa kaniyang dating asawa na si Kylie Padilla at sa kanilang dalawang anak na si Axl at Alas, sinabi ni AJ na napag usapan na nila ang bagay na ito at napag desisyunan din niyang huwag nang mangialam.

“Napapag-usapan naman po namin ang mga ganung bagay. I think napag-usapan naman po nila [ni Kylie] ang ganito.

“Sinabi niya po sa akin… Pero ayoko naman po sanang pag-usapan ang sa kanila.

“Pero okay naman po sila.”

Wala rin siya di umanong pakiealam kung sakaling i-bash siya ng netizens kung sasagutin niya si Aljur.

“To be honest, wala naman din po akong care sa sasabihin ng ibang tao as long as masaya po ako, wala po akong tinatapakang ibang tao,” saad pa ni AJ.

“Alam ko po ang ginagawa ko. Alam ko po ang priorities namin. So, siguro po yun lang po. Wala na rin po akong care.

“Hindi ko lang po iisipin as long as wala naman po akong tinatapakang tao.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post AJ Raval, Buong Pagmamalaking Inamin na Nangliligaw si Aljur Abrenica sa Kaniya appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments