Nina Jose, Hindi Napigilang Sabihin Ang Bagay Na Ito Matapos Ang Sunod-Sunod Na Panghuhusga Ng Netizens Sa Asawa Niya

“Ang pagmamahal ay walang pinipiling edad.” Ito ang pinatunayan ni Niña Jose nang siya ay ikasal sa isang politiko at businessman na si Cezar Quiambao noong 2017 sa Bayambang, Pangasinan.

Si Mary Claire Niña José-Quiambao o mas kilala sa pangalang Niña Jose ay namaygpag noon sa larangan ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng isang survival show sa ABS-CBN noong 2006.

Nang magsimula ang kaniyang karera sa pagaartista nang siya ay sumali sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 1, marami na ring naranasan mula sa kamay ng mga bashers si Niña. At mas lumala pa ito nang siya nga ay maikasal sa isang lalaking malayo ang agwat ng edad sa kaniya.

Dahil sa patuloy na pagkwestyon at pasaring ng mga haters sa relasyon ni Niña at ng asawang si Cezar, hindi napigilan ng nasabing artista na ipagtanggol ang kaniyang sarili at asawa mula sa mga taong nangungutya sa kanilang dalawa.

Pinahayag ng nasabing aktres sa kaniyang facebook post na nararapat lamang na nasa tamang edad na ang isang tao kapag siya ay pumasok sa isang relasyon, gayunpaman, dapat hindi rin ginagawang basehan ang edad at kulay dahil higit pa roon ang pagmamahal. Dahil kapag nagmahal ang isang tao, umpisa pa lamang ay pinili na niyang tanggapin ang pagkatao nito.

“So to all the haters eat your hearts out and try to find(haha if you can or if God will let you haha) someone who will love you this way.. I guarantee you it is very RARE! and i am very BLESSED and HAPPY because GOD has brought Cezar and I together, it is all part of His plan and He is continously guiding our marriage and our life through His loving grace,” Matapos ng pasaring na ito ni Niña sa mga haters, sa gitna ng kaniyang post ay tinapos niya ang pahayag sa pagpapasalamat sa mga taong patuloy na sinusuportahan siya, at ang relasyon ng kaniyang asawa.

“So again to all the people who appreciate us, thank you so much for seeing beyond the fact that we have a huge age gap and just plainly loving us for who we are and to those who have something to say about us, may God bless you with a genuine love like ours so you will finally know what it feels!” dagdag pa ng nasabing aktres.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Nina Jose, Hindi Napigilang Sabihin Ang Bagay Na Ito Matapos Ang Sunod-Sunod Na Panghuhusga Ng Netizens Sa Asawa Niya appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments