Mayroon ka bang nunal sa katawan? Ang mga nunal ay isang uri ng skin growth na tumutubo sa iba’t-ibang parte ng katawan. Kadalasan, kusa ring nawawala ang mga nunal kapag tumatanda ka na. Para sa iba, nagsisilbi itong birth mark o di kaya nama’y beauty spots. Ngunit may mga tao ring naniniwala na may malalim na kahulugan ang iyong nunal.
Base sa paniniwala ng Chinese astrology, may kinalaman ang pwesto ng iyong nunal sa iyong pagkatao! Sa pamamagitan nito, maaaring malaman ang personalidad, state of mind, kalusugan, at maging ang hinaharap ng isang tao. Ayon sa author na si Simon Wong, ito ang maaaring ibig sabihin ng iyong nunal sa katawan.

1. Noo
Kung ikaw ay nunal sa gitna ng iyong noo, marahil ay mayroon kang problema sa pakikipag-reach out sa mga tao sa iyong paligid. Kung nasa gilid naman, nangangahulugan ito na lagi kang mayroong focus at energy ano man ang iyong ginagawa.

2. Dibdib
Kung ikaw ay may nunal sa dibdib, nangangahulugan ito na mayroon kang mahalagang role sa ginagampanan sa inyong pamilya. Sa mga kababaihan, sumisimbolo ito ng fertility at pinaniniwalaang magiging mabuting ina ka sa iyong mga anak.

3. Ilong
Kung ikaw ay may nunal sa ilong, sumisimbolo ito ng kasipagan mo ngunit maaari kang magkaroon ng problema sa iyong karelasyon. At kung ito naman ay nasa gilid ng iyong ilong, magaling kang humawak ng pera at kaya mong magpalago ng negosyo.

4. Kamay
Ang nunal sa kamay ay nangangahulugan na magaling ka sa isang skill. Dahil dito, maaari kang yumaman kapag na-master mo pa ito.

5. Likod
Kung ikaw naman ay may nunal sa likod, nangangahulugan ito na marami kang pinapasan na problema. Gayunpaman, maaabot mo pa rin ang iyong pangarap kung ikaw ay magsisikap.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Swerte o Malas? Ito Pala ang Totoong Kahulugan ng mga Nunal mo sa Katawan! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments