Sikat Na Basketball Player Na Ito, Inaming Nakipag Hiwalay Sa Long Time Girlfriend Upang Magpakasal Sa Ibang Babae

“Ako ang nauna, pero siya ang wakas,” ang linya na ‘yan, mula sa kanta ni Moira dela Torre na Paubaya, ang tila ba ang tanging nasambit na lamang ng nakararami dahil sa issue ngayon ng basketball player na si Scottie Thompson.

Mainit na usap-usapan ngayon ang pagpapakasal ng nasabing basketball player dahil ang babaeng naging bride nito ay hindi ang kaniyang fiancé na si Pau Fajardo.

Nasaksihan ng mga tagahanga at tagasuporta ni Scottie Thompson ang kanilang relasyon ni Pau Fajardo. At ang kanilang matagal na pagsasama ay nauwi pa nga sa pagpopropose ng nasabing basketbolista noong bagong taon.

Ngunit, ang ilang taong pagsasama ay tila mabilisang naglaho nang aminin ni Thompson ang kanilang hiwalayan noong Abril 2021. Dagdag pa ng binata na magpapakalalaki di umano ito, at tatanggapin ang galit ng madla nang ihayag niya ang rason tungkol sa kanilang hiwalayan ng dating nobya.

Balita rin na ang dahilan ng hiwalayan nila Scottie Thompson at Pau Fajardo ay third party. Dalawang buwan palang kasi na hiwalay ang dalawa at magtatatlong buwan ang relasyon ni Scottie Thompson sa kaniyang ngayon ay asawa na, na si Jinky Serrano.

Si Jinky Serrano ay isang stewardess mula sa Pampanga, at marami ang nagsasabi ay doon sila nagkakilala ni Scottie Thompson.

Bagaman ilang buwan palang ang relasyon, nauwi agad sa kasalan ang relasyon ni Serrano at Thompson, na ginanap noong unang linggo ng Hunyo.

Ayon pa sa mga report, ng dahilan umano ng biglaang kasalan ay dahil sa buntis si Jinky Serrano at kailangan ni Scottie Thompson na panagutan ang dinadala nito. Pinatigil na rin ng nasabing basketbolista ang kaniyang asawa sa pagiging stewardess at mas piniling asikasuhin nito ang kaniyang beauty clinic sa Pampanga.

Samu’t-saring reaksiyon ang natanggap ng kasalang ito mula sa mga netizens. Maraming netizens ang nabigla, may ibang naaawa sa sinapit ni Pau Fajardo, at mayroon ding nadismaya dahil sa ginawa ng nasabing basketball player.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Sikat Na Basketball Player Na Ito, Inaming Nakipag Hiwalay Sa Long Time Girlfriend Upang Magpakasal Sa Ibang Babae appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments