Dahil sa hirap ng buhay, kinakailangan na maging masipag at matiyaga ang bawat mga empleyado upang masigurado na mayroon pa ring silang makakain sa susunod pang mga aaw.
Kung kaya naman hindi natin masisisi ang ating mga kababayan na doble kayod upang hindi lubos na maapektuhan ng pandemya.
Ngunit sa ibang pagkakataon, katulad na lamang ng security guard na ito na nag viral ngayon sa social media dahil sa kaniyang hindi makatao na kalagayan, ay hindi na nagiging simbolo ng kasipagan, kung hindi tunay na alipin na lamang ng kapitalismo.
Isang hindi pa napapangalanang security guard ang dumurog sa puso ng madla matapos kumalat ang kaniyang video na kumakain ng nakatayo habag nasa duty, dahil wala umano silang lunch break.

Isang Facebook page na tinatawag na “OFW Kalingawan” ang nagbahagi ng istorya ng lalaki at sinabing nakuha ang litratong ito sa Cebuana Palace, isang remittance center na kinakailangan ng mahigpit na seguridad.
Ngunit pag alma ng admin ng page, hindi pa rin ito sapat na dahilan upang huwag nilang bigyan ng isang oras na lunch break ang mga empleyado, lalo na ang mga security guards na kailangan ng lakas at pahinga upang mabantayn ang lugar.
Ayon sa post, “Real life tayo…ayan c kuya..napatulo luha ko habang pinag mamasdan ko siya kumakain.???
Subrang awa naramdaman ko sa kanya kasi ito ang rason…
Naawa ako
Nsasaktan
Nag iisip n sana bigyan nmn ng kaunting oras para mkakain ng maayos…
Oras ng pagkain trbaho pa din….khit man sana 15 min break for lunch di ba….????how sad nmn…sana sa maka kita nito ay mag silbing aral sa atin na ang tao dapat binibigyan ng break time specially sa mga security guard..
Marami ang tulad niya….

“Natuwa siya ng sabihan ko kuya sayo na ito pang meryenda mo…it happened cebuana place.Saludo ako sayo kuya.Mabuhay ang mga nag hahanap buhay ng marangal.
???Pa share nmn mga bess para makarating sa ahencia??”
Samantala, patuloy na hinahanap ng mga nagmamagandang loob na netizens ang sekyu at sinabing gagawin nila ang lahat upang maipag laban ang kaniyang karapatan bilang empleyado.
What can you say about this story? Share your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Larawan Ng Isang Security Guard Na Kumakain Habang Nakatayo Dahil Walang Lunch Break, Nagpaluha Ng Netizens appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments