Naalala niyo pa ba ang dating fan favorite sa unang edition ng Pinoy Big Brother, ang housemate na si Franzen Fajardo?
Si Franzen, na agad nakuha ang puso ng masa dahil sa kaniyang masikap na pagkatao at nakakatawang ugali ay hindi nagtagal sa bahay dahil sa kaniyang sunod-sunod na violations.
Kasama niya pa sa kaniyang mga kalokohan ang kaniyang ka comic-duo na si Jayson Gainza.
Kabilang na roon ang pagsusulat ng mga sikretong mensahe sa lamesa, at pagbubulungan na matinding ipinagbabawal sa PBB.
Dahil sa kaniyang sunod-sunod na paglabag ay kahit isa sa kaniyang mga kaibigan sa bahay ang umako ng pag alis upang hindi siya ma evict ay hindi pa rin pinalampas ni Kuya ang kaniyang mga violations at siya ang kauna-unahang na force evict na housemate sa history ng PBB house.
Makalipas ang ilang taon, asan na kaya siya ngayon?
Matapos ang pag alis niya sa bahay ay nakatakda sana siyang gumawa ng ilang mga sitcoms sa ABS CBN ngunit mas pinili niyang tuluyan nang talikuran ang showbiz.
Ayon naman sa ulat ng Bandila noong 2018 ay masaya na siya sa kaniyang buhay ngayon sa Singapore, at naka focus sa pagba buy and sell bilang kaniyang trabaho.
At kahit naman ilang beses nakita ng publiko ang kaniyang pagiging “pasaway” ay patuloy namang pinapatunayan ni Franzen na masaya na siya sa kaniyang desisyon na paglisan sa industriya upang ayusin ang kaniyang buhay.
Maligaya at settled na rin siya sa Singapore kasama ang kaniyang pamilya, at paminsan-minsan ay kinakausap pa rin ang kaniyang mga kaibigan, lalo na ang kaniyang mga kabatch sa PBB katulad na lamang ni Say Alonzo, Nene Tamayo, at Sam Milby.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Tanda Niyo Pa Ba Ang Dating PBB Housemate Na Si Franzen Fajardo? Silipin Ang Buhay Niya Ngayon! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments