Isa sa mga utos sa 10 commandments ay “Thou shall not covert thy neighbor’s wife.” Ngunit sa panahon ngayon, hindi maikakailang marami ang nakikiapid kahit pa may asawa na sila. Ngunit paano kung ang mismong paring dapat ay nagtutuwid sa ating mga mali ang siya pa mismong susuway sa utos na ito? Kagaya na lamang ng pangyayaring ito sa Pampanga na naging usap-usapan sa social media.
Isang Katolikong pari ang umani ng batikos sa social media matapos umanong makiapid sa isang babae na mayroon ng asawa.
Sa isang video, makikitang sinugod ng mister ng babae ang pari matapos nitong malaman na kalaguyo siya ng kanyang asawa. Agad namang nag-viral sa social media ang harapan nila.
Read More: Julia, Inamin na Na-Trauma Siya Dahil sa Ginawa ng Tatay na si Dennis Padilla Noon
Sa harap ng iba pang saksi, inakusahan ng mister ang pari na kumabit sa kanyang asawa. Ayon sa mga reports, ang mister ay isang doktor sa San Fernando, Pampanga.
Kasama rin niya ang kanyang asawa nang sugurin nila ang pari, ngunit tahimik lamang ang babae sa gitna ng mga pangyayari. May bitbit ring maleta ang mister na laman ang mga gamit ng kanyang misis.
Ilang beses rin niyang hinampas ng portrait ng kanilang pamilya ang pari, na tila ba pinapakita dito ang pamilyang sinira niya. Ayon pa sa mister, malapit sa kanilang pamilya ang pari at sinamantala nito ang kanyang misis.
Hindi naman sumagot o lumaban ang pari, sa halip ay humingi ito ng pasensya sa lalaki. Ngunit mukhang mas lalo pang umiit ang ulo ng mister matapos marinig ang pari, at walang anumang paliwanag ang magtatanggal ng galit nito matapos siyang traydurin ng kanyang misis.
Sa kabilang banda, naglabas naman ng pahayag si Archbishop Florentino Lavarias ng Archdiocese of San Fernando. Ayon kay Arch. Lavarias, kasalukuyan na nilang iniimbestigahan ang pangyayari upang malaman ang puno’t-dulo nito.
Read Also: Ina ni Jon Gutierrez, Naiyak na Lamang Habang Sinasabi ang mga Bagay na ito sa Anak
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Pari sa Pampanga, Sinugod ng Galit na Galit na Mister Matapos Makiapid sa Asawa Nito appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments