Sa National Costume competition ng Miss Universe 2020, si Miss Myanmar Thuzar Wint Lwin ang hinirang na panalo. Simple lamang ang costume ni Miss Myanmar, at last minute niya lang ito ginawa dahil nawala ang kanyang original na national costume. Gayunpaman, labis na naantig ang mga judges at contestants sa mensahe ni Miss Myanmar para sa kanyang bansa.
Kasalukuyang mayroong coup d’etat sa Myanmar simula pa noong February 2021. Libo-libong tao ang nagprotesta laban sa militar, at isa na sa kanila si Miss Myanmar Thuzar. Sa katunayan, bago pa man siya sumali sa Miss Universe pageant ay isa na siyang aktibista na kinokondena ang naganap na coup d’etat.
Read More: Dating Batikan na Aktor Ginulat ang mga Fans Matapos ang Biglaang Pagkawala
Dahil dito, pinagbawalan siya ng military junta na sumali sa Miss Universe pageant, sa takot na ibnunyag niya ang nangyayari sa kanilang bansa.
Tumakas lamang si Thuzar sa pamamagitan ng pagsuot ng hoodie at sunglasses upang hindi siya makilala sa airport. Nauna niya ring ipinadala sa United States, Florida ang kanyang costume, ngunit sa kasamaang palad ay nawala ito.
Ayon kay Miss Myanmar, matapos siyang tumakas papuntang Florida ay agad na nag-issue ng arrest warrant sa kanya ang military junta.
Sa kanyang pagbabalik sa Myanmar, walang katiyakan rin ang nag-aabanga kay Thuzar, ngunit nananatiling positibo ang kanyang pananaw.
Sa Instagram, pinasalamatan ni Miss Myanmar ang kanyang mga fans at kababayan na walang sawang sumuporta sa kanya. Ayon pa dito, natutuwa rin daw siya na naipahayag ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng kanyang national costume.
“I’m blessed and thrilled that we made it together all the way today. I wish I could have made you prouder. But I did my best and hope you all love what we got. And thank you so so Much to those who voted for Best National Costume. It’s more than a costume. It’s a message, spirit and solidarity. Be safe and God bless you all!”
Read More: Toni G, Gumastos ng Malaking Halaga Para Maachieve ang All-White Master’s Bathroom Niya
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Miss Myanmar, Maaaring Makulong Matapos Bumalik sa Kanyang Bansa Mula sa Miss Universe Pageant Dahil sa Ginawa Niya appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments