Mag Asawa Nakatira Lamang sa Imburnal ng Halos 22 Years Kasama ang Kanilang Aso

Sabi nga nila, kapag nag asawa ka ay dapat maging matibay kayo sa lahat ng puwedeng ibigay na pagsubok ng tadhana.

Kung kaya naman bago pa man magppakasal ay mas maganda na kilala niyo na ang issa’ isa at handa kayo sa lahat ng pwedeng mangyari.

Para sa mag asawang si Maria Garcia at Miguel Restrepo na taga Medellin Colombia, hindi na bago ag mga ganitong klaseng hamon sa kanila.

Dahil sa loobg ng 22 taon ay magkasama silang naninnirahan sa imburnal.

Tama nga ang nabasa mo, imburnal!

Ang inisyal na reaskyon ng tao ay tipikal. Dahil nga ginawa ang imburnal para maging tapunan ng iba’t ibang klaseng mga dumi ay hindi maiiwasan na magtaka sila sa kalagayan ng mag asawa.

Ngunit isang sira at hindi na ginagamit na imburnal ang tinitirahan nila, at unti-unti ay inayos nila ito upang maging disenteng tahanan.

Kahit madalas silang yumuyuko sa sobrang baba at nag sisiksikan dahil sa sikip ay hindi ina ni Maria at Miguel ang kanilang sitwasyon.

Para sa kanila ay mahalagang magkasama silang dalawa at ang kanilang aso na si Blackie.

Mayroon na ring kusina, kainan at kuryente ang kanilang mumunting bahay. Bukod doon ay may higaan din ito kung saan nakakatulog ng maayos ang mag asawa.

Ang kanilang aso naman ang kanilang nagsilbing anak at tagapag bantay sa kanilang bahay sa tuwing sila ay natutulog.

Ito rin ang nagiging libangan nila sa mga oras na masyado silang nabuburyo.

Wala rin namang balak lumipat ang mag asawa ng lugar kahit anong mangyari dahil napamahal na sila sa kanilang tahanan.

Sa tagal na rin nila rito ay ito na ang tanging lugar na nais nilang panatilihan.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Mag Asawa Nakatira Lamang sa Imburnal ng Halos 22 Years Kasama ang Kanilang Aso appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments