Ang madalas na palatawa at kwelang aktor na si Kuya Jobert at panandaliang naging emosyonal matapos niyang ibahagi sa kaniyang vlog ang muling pagtatagpo nila ng kaniyang matapos ang halos 50 taon sa mismong Mother’s day.
“Itong araw na ito ang pinakaimportante sa akin dahil kikitain ko ang nanay ko—ang totoong nanay ni Kuya Jobert. Ilang taon kaming hindi nagkita ng nanay ko,” simula ni Jobert sa kanyang vlog.
Patuloy niya, “Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi nabigyan ako ng pagkakataon na makita ang nanay ko, ang totoong nanay ko. Mayakap, mahalikan, matanong yung mga bagay na gusto kong tanungin mula nung bata pa ako hanggang ngayon na tumanda na ako.”
“Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Medyo kinakabahan ako. Medyo masaya ako. Medyo may tampo pa rin ako, di ba, kasi marami akong tanong. Pero nagpapasalamat ako sa Diyos kasi ito na yung araw nahinihiling ko. Pinagkaloob na Niya sa akin,” tuluy-tuloy pa niyang pahayag.
“Isipin mo, 50 years old na ako. Ilang taon din akong nagtampo doon, eh. Hindi n’yo pala malalampasan yung nakaraan n’yo. Hindi kayo makaka-move on hangga’t hindi n’yo naaayos yung relationship n’yo kahit kanino lalo na yung mabibigat sa buhay n’yo. Maaapektuhan talaga yung future n’yo,” sabi pa ni Jobert.
Ayon sa kaniya ay nakatanggap siya ng impormasyon mula sa kaniyang Facebook tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina, kung kaya naman hindi na siya nag atubili pa at agad nang hinagilap ito.
Matapos siyang ipamigay ng ina ay hindi na niya nakausap pa itong muli, ngunit para kay Jobert, hindi na dapat siya magtanim ng galit.
“Salamat Nay, kasi kung hindi nangyari ‘to hindi ako naging artista. Basta mag-iingat ka lagi. Dadalaw ako doon kapag nakaluwag-luwag na bago ako pumunta ng Canada.
“Ang importante, nagkita tayo. Hindi aksidente ‘to, nagkita tayo. Para kung saan man tayo mapunta, nagkita tayo. Nagkapatawaran tayo.”
“Pinapatawad na kita kahit na hindi kita niyakap nung mga panahong mag-isa lang ako. Ang hirap-hirap kaya nu’ng bata pa ako. Minsan umiiyak ako, hindi ko alam. Iba yung pakiramdam ng totoong nanay, di ba?” humihikbing pahayag ng komedyante.
What can you say about this story? Share your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Kuya Jobert, Emosyonal Matapos Mahanap ang Kaniyang Tunay na ina appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments