Isang nakakagimbal na storya ng isang 2 taong gulang na galing sa Indonesia ang gumulat sa mundo matapos ibunyag ng media na sa mura niyang edad ay mayroon na siyang adiksyon sa sigarilyo!
Naalarma hindi lamang ang mismong gobyerno ng Indonesia, kung hindi ang lahat ng nakakita mula sa kahit anong panig ng mundo kung kaya naman agad silang gumawa ng aksyon upang masigurado na masasalba ang bata sa kapahamakan.
Ngunit hindi naging madali ang naging kwento ng batang ito, na nakilala bilang si Ardi Rizal. Dahil kahit ang mismong mga magulang niya ay hindi rin alam kung paano siya mapapalayo mula sa yosi.
Ayon sa kaniyang ina na si Dianne, talagang nagta tantrums ito kapag hindi napag bibigyan ang gusto, kung kaya naman pinapabayaan na lamang nila ang bata na humithit nang humithit hanggang sa umabot sa punto na nakaka ubos na siya ng halos 40 na piraso sa loob ng isang araw lamang!
Matapos ang ilang taon na pagbabantay kay Ardi, sa edad na siyam na taon ay masasabi na ng kaniyang pamilya na wala na siyang interes sa kaniyang dating adiksyon.
Ayon sa kaniyang ina, hindi naging madali ang pag kukumbinsi kay Ardi na tigilan na ang paninigarilyo, ngunit naging matagumpay pa rin ito.
“At first when we were weaning Ardi off the cigarettes he would have terrible tantrums. But he doesn’t want them now,”
Ang naging sitwasyon ni Ardi ang naging ugat ng mga kilusan laban sa child-smoking sa Indonesia, kung saan napaka lawak ng industriya ng tobacco.
Sa ngayon ay mas malusog na si Ardi at nabawasan na rin ng timbang dahil sa kaniyang maayos na diet.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang Dalawang Taong Gulang Sa Indonesia, Viral Ngayon Dahil Sa Kaniyang Maagang Adiksyon Sa Sigarilyo! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments