Dating Batikan na Aktor Ginulat ang mga Fans Matapos ang Biglaang Pagkawala

Isang artista na naman ang tuluyang namaalam nitong Mayo 8, 2021. Naaalala niyo pa ba ang batikang aktor na si Allyson VII? Isa si Allyson, o mas kilala bilang John Allyson VII Gonzales, sa mga pinakahinahangaang aktor noong ’90s. Kamakailan lang, nalungkot ang mga fans sa biglaang pagkawala nito dahil sa heart attack.

Si Allyson ay ang protege ng late director na si Maryo de los Reyes. Taong 1997 nang pasukin nito ag mundo ng showbiz, at agad naman siyang sumikat dahil sa galing niya sa pag-arte. Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan nito ay “Computer Kombat” (1997), “Sa Paraiso ni Efren” (1999), “Gusto Ko Nang Lumigaya” (2000), at “Live Show” (2000).

Read More: Toni G, Gumastos ng Malaking Halaga Para Maachieve ang All-White Master’s Bathroom Niya

Sa isang interview, inalala si Allyson ng kanyang misis. Ayon sa misis nito, isang responsable at mapagmahal na asawa at ama ang dating aktor. Tinutulungan din siya nito na patakbuhin ang kanilang transportation business. Ibinahagi rin ng misis ni Allyson ang totoong rason kung bakit ito tumigil sa showbiz.

Ayon sa kanya, ang huling pelikulang ginawa nito ay Magnifico noong 2003, kung saan nakatrabaho niya sila Jiro Manio, Lorna Tolentino, Albert Martinez, at Gloria Romero. Ngunit sa kabila ng matagumpay na career ni Allyson, mas pinili nitong talikuran ang showbiz upang makapagfocus sa kanyang pamilya.

“His last movie was Magnifico because he wanted to quit showbiz and concentrate on our family. He was a very good family man. We have a couple of businesses. He aided me in my mom’s transportation business, we also have a kennel of small breed dogs and he has a series of apartments in Sta. Mesa, Manila.”

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nagpahatid ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng aktor. Kahit pa matagal na itong wala sa showbiz, hindi maipagkakaila na tumatak siya sa puso ng mga fans dahil sa galing nitong umarte.

Read Also: Nagulat ang Mag-Asawang Ito Matapos Madiskubre ang Nakatagong Lumang Kwarto sa Bahay Nila!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Dating Batikan na Aktor Ginulat ang mga Fans Matapos ang Biglaang Pagkawala appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments