Babae, Humakot ng Mahigit sa 200 na Medalya Mula sa School at Pageants! Ano ang Sikreto Niya?

Naranasan mo na rin bang magawaran ng medalya noong ikaw ay nag-aaral pa lamang? Tuwing recognition day, makakatanggap ka ng medalya kapag nagpakita ito ng angking galing sa kahit anong larangan. Para sa isang estudyante, talagang wala ng mas sasarap pa ang makitang mayroong bunga ang iyong pagsisikap.

Kapag nakatanggap ka ng medalya, mas lalo ka ring mai-inspire na pagbutihin ang iyong pag-aaral. Isa sa mga matatalinong estudyante na laging nakakatanggap ng medalya ay si April Christelle T. De Leon. Maraming netizens sa social media ang talagang na-inspire sa kwento niya.

Read More: Barkong Lumubog na May Dalang Kayamanan, Muling Lumitaw sa Dalampasigan Makalipas ang 80 Years!

Si April ay mula sa Lingayen, Pangasinan. Sumikat siya matapos niyang ibahagi sa social media ang larawan ng kanyang mga medalya na galing school. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi 200 ang medalyang naipon ni April dahil sa kanyang kasipagan sa eskwela.

Mula Grade 1 hanggang Grade 10, hindi nawawala sa top ten ng kanyang klase si April. Lagi rin siyang nasa Star Section, kaya naman proud na proud ang mga magulang niya sa kanya. Sa katunayan, siya rin ang naging valedictorian ng kanilang batch.

Bukod sa kanyang mga medalya, mayroon rin siyang mga trophies, certificates, at plaques. Hindi lang siya sa academics nagpamalas ng kanyang galing, kundi maging sa mga extra curricular activities sa kanilang school. Ayon pa kay April, mahilig rin siyang sumali sa mga pageants.

Ngayong naka-graduate na siya ng high school, balak ni April na ipagpatulog ang kanyang senior high sa Chicago. Matapos nito, balak niyang bumalik sa bansa upang ipagpatuloy ang kanyang medical course na BS Biology.

Read More: Silipin ang Naggagandahang Anak ni Regine Tolentino! Sasabak rin Kaya Sila sa Showbiz?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Babae, Humakot ng Mahigit sa 200 na Medalya Mula sa School at Pageants! Ano ang Sikreto Niya? appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments