Isang pitong taong gulang na bata ang nagpaluha sa netizens matapos ibahagi sa social media ang kwento ng kaniyang buhay kapiling ang kaniyang may sakit na ama.
Si Ou Yanglin, isang grade 1 student sa Wangpu sa Guizhuo Province, Southwest China ay maagang namulat sa responsibilidad ng buhay dahil sa kapabayaan ng kaniyang ina.
Si Yanglin na ang umako ng tungkulin ng kaniyang ina bilang ilaw ng tahanan matapos silang iwan ng kaniyang ama na may paralisadong kondisyon.
Ayon kay Yanglin ang umalis ang kaniyang ina dahil naubos na ang kanilang pera at sinama naman niya ang kapatid niyang babae.
Kung kaya naman siya na ang sumalo ng lahat ng gawain ng kanilang ilang ng tahanan, pati na rin ang pag aasikaso sa kaniyang ama araw-araw.
Maaga itong nagigising sa umaga upang paghandaan ng pagkain ang kaniyang tatay, at hanggat maari ay iniiwasan ang makipaglaro sa labas upang mabantayan ang ama.
Ang kaniyang ama, si Tongming,ay napag alamang nagkaroon ng injury sa likuran na siyang naging dahilan ng pagiging baldado nito.
Sa loob lamang ng isang taon ay natutunan ni Yanglin na maging isang responsableng bata at natutong dalhin ang kanilang mga problema sa buhay.
Ngunit kahit ganoon ang nangyari ay hindi pa rin inda ng bata ang kaniyang buhay, at buong puso pa ring nag aalaga sa kaniyang ama.
Hanggang ngayon ay nag aaral pa rin siya at sinusubukang maging isang mabuting estudyante upang matuwa sa kaniya ang magulang.
Natuto na rin siyang dumiskarte sa buhay upang magkaroon sila ng pang lamang tiyan, dahil wala silang ibang inaasahan kung hindi ang isa’t isa lamang.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post 7 Taong Gulang na Bata, Nagpaluha sa Netizens Matapos Alagaan ang Baldadong ama Matapos Silang Iwanan ng ina appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments