16-Anyos na Estudyante, Labis na Na-Stress at Nawala sa Katinuan Dahil sa Module

Isang mainit na usapin sa panahon ngayon ang mental health. Parami na ng parami ang nagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mental health ngayon, at malaki rin ang ambag ng social media sa paghingi ng tulong. Kaya naman sa Facebook rin dumulog ng tulong si Regine Robles upang matulungan ang kanyang kapatid na mayroong sakit sa pag-iisip.

Maraming netizens ang hindi mapigilang maawa sa kalagayan ng 16-anyos na babaeng ito mula sa Tanay, Rizal na si Rochelle Robles.

Ayon sa kanyang kapatid na si Regine, nais nilang maipa-konsulta ito sa psychiatrist dahil lumalala na ang kalagayan nito simula nang mag-module ito. Dumating rin daw sa punto na nakakapanakit na ito ng ibang tao.

Read More: Tim Sawyer, Pinaghahanap na ng mga Otoridad Dahil sa Kasong Isinampa sa Kanya ni China Roces

“Humihingi kami ng tulong para mapa psychiatrist ang kapatid ko na si Rochelle Marchan Robles kasi po nananakit na sya. Sana po matulungan nyo kami na maparating to sa kanila sir Raffy Tulfo okaya sa WishKolang Wala po kaming pera pang pagamot nya. Please po pakitulungan kami sa pamamagitan ng pag tag sa kanila.”

Dagdag pa ni Regine, hindi na nila makontrol ang ikinikilos ng kanilang kapatid. Kaya naman imbes na makasakit pa ito ng ibang tao, napilitan silang itali na lamang ito sa kawayang upuan.

Mabigat man sa kanilang loob, wala rin silang magawa dahil hindi nila ito maipa-konsulta sa isang eksperto.

“Tinali namin sya kasi nag wawala na sya, dati hindi sya nag wawala, Habang tumatagal lumalala, Bago sya mag kaganyan, Lagi syang puyat sa kakamodule nya, hindi nakakatulog kakaisip sa module. Kami po ay taga Tanay rizal, at kasalukuyan po kaming nandito sa tito ko.”

Agad namang nag-viral sa social media ang post na ito. Maraming netizens rin ang nagpahayag ng kanilang simpatya para kay Rochelle, dahil sa murang edad nito ay mayroon na siyang matinding pinagdaraanan. Sa ngayon ay umabot na ng mahigit 2.5k shares ang post na ito sa Facebook.

Read Also: Naaalala Niyo pa ba ang Dating Child Star na si Ella Guevara? Ito na Pala ang Buhay Niya Ngayon!

Panoorin ang buong video dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post 16-Anyos na Estudyante, Labis na Na-Stress at Nawala sa Katinuan Dahil sa Module appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments