Magandang Aktres Noon, Tinalikuran ang Showbiz Career Para Mag-Madre!

Maraming artista ang nagsusumikap upang mapanatili ang kanilang kasikatan sa industriya ng showbiz. Ngunit mayroon rin namang mas piniling talikuran ang kanilang career para sa tahimik na buhay. Isa na sa kanila ay si Chin Chin Gutierrez. Naaalala mo pa ba ang talentado at award-winning na aktres na ito?

Si Chin Chin ay kilala sa kanyang mga kontrabida roles sa telebisyon. Dahil sa kanyang angking talento at husay sa pag-arte, bumida na rin si Chin Chin sa maraming programa at mga pelikula.

Ngunit maraming fans ang nagtataka kung nasaan na ngayon ang aktres na ito. Ano nga nga kaya ang buhay niya ngayon?

Read More: Barkong Lumubog na May Dalang Kayamanan, Muling Lumitaw sa Dalampasigan Makalipas ang 80 Years!

Marami ang paniguradong magugulat matapos malaman ang buhay na tinahak ni Chin Chin ngayon! Kung dati ay nasa showbiz siya, mas na niyang talikuran ang kanyang matagumpay na career upang magsilbi sa Diyos. Ang award-winning actress na ito dati ay isa ng ganap na madre ngayon!

Bago pa man siya sumabak sa showbiz, gusto na ni Chin Chin na magtrabaho sa media, lalong-lalo na sa investigative journalism. Kaya naman ang kinuha niyang kurso ay Communication Arts. Ngunit hindi niya ito natapos, at di nagtagal ay sumabak na lang siya sa pag-aartista.

“If God is leading me to this ‘business’ or this industry, let it be a way for me to find Him because showbiz was really not the safest path to take. By grace, I knew that, but I didn’t know what showbiz was all about,” pahayag ni Chin Chin sa kanyang dating interview.

Noong taong 2006, nakaranas rin ng milagro si Chin Chin. Ayon sa kanya, nasunog ang buong bahay nila. Halos lahat ng kanilang mga gamit ay naging abo, ngunit sa kabutihang palad, wala ni isa man sa kanyang mga pamilya ang nasaktan. Itinuturing niya rin itong senyales mula sa Diyos.

Paniguradong maraming fans ang makaka-miss sa aktres na ito. Gayunpaman, nakakatuwang isipin na tuluyan na ngang nahanap ni Chin Chin ang kanyang true calling sa buhay.

Read More: Silipin ang Naggagandahang Anak ni Regine Tolentino! Sasabak rin Kaya Sila sa Showbiz?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Magandang Aktres Noon, Tinalikuran ang Showbiz Career Para Mag-Madre! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments