Ellen Adarna, Alam na ang Kaniyang Gagawin Kung Sakaling Lokohin Siya ni Derek Ramsay

Para kay Ellen Adarna, hindi na dapat binibigyan pa ng tiyansa ang mga taong nangangaliwa sa kanilang partner.

Kung kaya naman kapag maisipan ng kaniyang fiance na si Derek Ramsay na lokohin siya ay hindi niya ito bibigyan ng pangalawang pagkakataon.

Sa Isang Instagram story kung saan madalas siyang nagpapa Question and Answer sa kaniyang mga fans, sinagot niya ang tanong ng isang follower, “If Derek cheats on you, will you forgive and still accept him?”

“No1, no, no no,” agad na sagot na aktres.

Habang si Derek na kaniyang katabi ay narinig naman ang sinagot ni Ellen. “No, I will not cheat on you. Why talk about negativity?”

Matapos ipaliwanag ng aktres na ito ay tanong lamang at nais lamang niyang linawin na hindi siya nagbibigay ng tsansa sa mga taong mang loloko.

“Gwapa ko dzai pero kung mag-binuang siya (Maganda ako, ‘da, pero kung magloko siya), goodbye!”

Maalalang naggkakilala lamang noong Enero 2021 ang dalawa at agad nagkapalagayan ng loob.

Matapos ang tatlong buwan ay engaged na ang magkasintahan.

Minsan na rin silang tinanong sa isang interview kung ano sa tingin nila ang dahilan kung bakit sigurado na sila sa isa’t isa, at agad namang nagpaliwanag si Ellen.

“First is the connection, [it] is the communication.

“He met me at the right time.

“He met me because during the pandemic, I fixed myself, I worked on myself. I did a lot of inner work,

“So, at that time, I knew what I wanted na. I knew what was good for me. I knew what was bad for me.

“And then when I made better choices and for myself, that’s when things started to come in and everything made sense.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Ellen Adarna, Alam na ang Kaniyang Gagawin Kung Sakaling Lokohin Siya ni Derek Ramsay appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments