Lindsay de Vera, Inamin na ang Totoo at Nagsalita na sa Isyu na Nag-uugnay sa kanila ng Actor Dingdong Dantes

Kamakailan lang ay isang blind item ang kumalat sa social media.  Ayon sa blind item, isang influential male personality and di umano’y nakabuntis ng isang celebrity. Maraming netizens ang napaisip dito, at maraming pangalan rin ang nasangkot sa blind item na ito. Isa na doon ay ang tambalan ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes at ng bagong aktres na si Lindsay de Vera.

Ayon sa ibang netizens, maaaring ang 21-anyos na aktres ang tinutukoy sa blind item. Matatandaang nagkaroon rin ng project si Lindsay kasama ang ‘Primetime King’ ng Kapuso network.

Dahil dito, kumalat sa social media ang spekulasyon tungkol sa dalawa. Sa isang interview, agad namang pinabulaanan ni Lindsay ito.

Read also: “Too Precious”- Andi Eigenmann, Proud na Ipinasilip ang Larawan ng Kanyang Tatlong Anghel sa Instagram

Ayon sa 21-anyos na aktres, walang katotohanan ang mga kumakalat na tsismis na nabuntis siya ni Dingdong. Nilinaw rin ni Lindsay na hindi na dapat pa ipalaganap ang balita, lalo pa’t nakakasira ito sa pamilya ng aktor.

May dalawang anak na si Dingdong sa kanyang asawang si Marian Rivera.

“Never akong binuntis ni Kuya Dong and never kami nagka-relationship. I respect Kuya Dong very much as a person, as a husband, and as an actor,” pahayag ni Lindsay.

Kilala rin ang batikang aktor sa pagiging mapagmahal at supportive na ama at asawa sa kanyang pamilya.

Bukod pa dito, iginiit rin ng aktres na gusto niyang linisin ang pangalan niya mula sa mga kumakalat na tsismis. Ayon kay Lindsay, naaapektuhan na rin ang pamilya niya dahil dito. Binanggit rin niya si Marian, at iginiit na malaki ang respeto niya dito.

“I want to clarify my name, as well as Kuya Dingdong’s name that we don’t have any sort of that kind of relationship. Wala po kaming ganung relasyon. Never po akong naging girlfriend or anything ni Kuya Dong and I respect Kuya Dong as a person and as an actor, as a husband and siyempre, I also respect yung wife. Hindi po totoo yun, fake news.”

Read also: Marlou, Nagmakaaawa sa Social Media Para Makabili ng Gaming PC, Pero Na Realtalk ni Eruption Tai!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

The post Lindsay de Vera, Inamin na ang Totoo at Nagsalita na sa Isyu na Nag-uugnay sa kanila ng Actor Dingdong Dantes appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments