Siguradong magbabago ang buhay mo pag naranasan mo ng maging isang magulang. Ang pagkakaroon ng anak ay parehong responsibilidad at blessing para sa isang mag-asawa. Kadalasan, ang pagkakaroon din ng anak ay nagiging tulay upang tuluyang magbago ang isang tao. Ganito rin ang nangyari sa dating aktor na si Baron Geisler.
Naging kontrobersyal noon si Baron matapos masangkot sa iba’t-ibang isyu sa showbiz. Gayunpaman, pinatunayan ng aktor na hindi pa huli ang lahat para magbago. Sa isang rehabilitation center sa Cebu ay nakilala niya ang babaeng magpapabago sa kanya, si Jamie. Di nagtagal ay nagkaroon ng anak ang dalawa.
Simula ng magkaroon siya ng kanyang pamilya ay unti unti na ring nagbagong-buhay si Baron. Sa ngayon ay mas malapit na rin ang puso niya sa Diyos.
Ayon pa kay Baron, nagsisilbing inspirasyon niya ang kanyang baby girl upang mas maging mabuting ama.
View this post on Instagram
“I’m very blessed to have a very sweet and happy baby girl. 8 months and feeling great. Thank you lord for the gift of family. I’ll strive harder so I can give her the best in life,” mensahe ni Baron sa kanyang anak nang magdiwang ito ng 8th months celebration.
Sa social media, madalas ring ibahagi ni Baron ang mga masasayang picture nila ng kanyang family. Ayon kay Baron, hangga’t maari ay nais niya lang magkaroon ng bonding time kasama ang kanyang baby at asawa.
Dahil dito, maraming fans rin ang natutuwa sa malaking pagbabago ng aktor. Ayon sa mga fans, talagang malaki na ang ipinagbago ni Baron.
Kung dati ay marami siyang nakakabangga, sa ngayon naman ay nagbago na ang attitude ni Baron. Mas pinili niya ring maging role model para sa kanyang anak at asawa.
View this post on Instagram
Ano ang inyong masasabi sa kwentong ito? Wag mag atubiling magbahagi ng inyong opinyon o mag-share ng inyong parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang interesting na kwento, wag mag atubiling mag follow sa amin sa Facebook.
The post Baron Geisler,Pinahanga ang mga Netizen sa Laki ng Pagbabago at Mas Nagsisikap pa Para sa Kanyang Napa ka Cute na Baby Girl appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments