Angel Locsin, Masayang Ipinagdiwang ang Ika-94 na Kaarawan ng Kanyang Daddy Angelo

Isa si Angel Locsin sa mga pinakahinahangaang aktres sa industriya ng showbiz. Ngunit bukod sa husay niya sa pag-arte, pinatunayan din ng Kapamilya aktres ang kanyang pagsuporta at pagmamahal sa kapwa. Tuwing may sakuna, isa si Angel sa mga nangunguna upang tulungan ang mga taong nangangailangan. Dahil dito, nabansagan rin siya bilang real-life ‘Darna.’

Bukod sa pagiging mahusay na aktres, kilala rin si Angel sa pagiging malapit sa kanyang pamilya. Sa katunayan, aminado ang 35-anyos na aktres na isa sa mga layunin niya ay ang masuportahan at mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya. Kaya kahit noong bata pa siya, taos puso nang tumutulong sa kanyang pamilya si Angel.

Read also: Pari na Gumanap sa Music Video ng ‘Paubaya,’ Ibinuking ang Nakakaiyak na Kaganapan Habang Nagte-Taping Sila

Malapit rin siya sa kanyang ama, at kilala si Angel bilang mapagmahal na anak sa kanyang ama na si Angelo Colmenares. Kahit pa matagal nang hiwalay ang kanyang mga magulang, tuloy tuloy pa rin ang pagsuporta ni Angel sa kanyang ama, lalo pa’t tumatanda na rin ito at hindi na nakakapag-trabaho.

Sa katunayan, kamakailan lang ay ipinagdiwang ni Daddy Angelo ang kanyang kaarawan! Kamakailan lang ay nag-celebrate si Daddy Angelo ng kanyang 94th birthday.

Sa espesyal na araw na ito, hindi mawawala ang kanyang mga mahal sa buhay, lalong-lalo na ang paborito niyang anak na babae na si Angel.

Dahil sa banta ng pandemya, mas minabuti ng pamilya na sa bahay na lamang mag-celebrate. Gayunpaman, masaya pa rin ang naging salo-salo nila. Sa ilang photos sa Instagram, makikita rin na masayang-masaya si Daddy Angelo dahil nagtipon-tipon ang pamilya nila upang makasama siya sa espesyal na araw na ito.

At dahil sa bahay lang sila nag-celebrate, ayon kay Angel ay umorder na lang rin sila ng pagkain.

“Celebrating our Dad’s 94th birthday at home. Saved by Mang Inasal’s party pack, dahil bawal lumabas si daddy. Sarap daw ng chicken empanada. Pwede na siyang endorser. Try nyo rin yung liempo,” pahayag ni Angel sa Instagram.

Read also: Magsasaka, Nakatanggap ng Bonggang Flower Bouquet na May 200K na Ibinili naman nya ng Traktora

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

The post Angel Locsin, Masayang Ipinagdiwang ang Ika-94 na Kaarawan ng Kanyang Daddy Angelo appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments